Chapter 8- Puzzle Problem (P-P2)

187 71 2
                                    


ICE CREAM

Elle's POV

PALAGI na lamang busy si kuya sa paghahanap kay Thea. Hindi niya man lang ako magawang maasikaso pero alam ko naman na mas kailangan ni Thea si kuya.

Pero... bakit naman ganito?

Hays! Nakakatampo naman.

Lumabas na lamang ako ng bahay sa kadahilanan na nagugutom ako at nagcrave ako ng ice cream.Hindi na ako nakapag paalam pa kay kuya kasi alam ko naman na busy siya at tsaka sasandali lang naman ako sa Ministop na malapit sa bahay namin.

Naglakad na nga ako at nakabili na ako ng paborito kong chocolate ice cream. Naglalakad na rin ako pauwi dahil baka hinahanap na ako ni kuya.

"ELLE NASAAN KA!" sigaw ni kuya kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay.

"K-Kuya?" takang tanong ko habang dumidila sa ice cream ko.

Lumingon ito sa akin at niyakap ako bigla.

"Sh*t! Saan ka ba galing ha! Pinag-aalala mo ako," malungkot niyang sabi

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita.
"Sorry po kuya, I'm just craving po kasi, kaya lumabas ako saglit," malumanay kong sabi.

Ngumiti lamang ito at ginulo ang buhok ko.

"Okay na Elle. Mas mabuti na siguro na sumama ka akin para hindi na ako nag-aalala okay?" saad nito na siyang ikinataka ko. "Saan po ba tayo pupunta kuya?" tanong ko dito habang patuloy sa paglasap sa ice cream ko.

Tumingin muna ito at tsaka nagsalita, "Pupunta ako kanila Kuya Shawn mo. May itatanong lang naman ako at kailangan ko rin malaman ngayon ang sagot." sagot nito kaya napatango na lamang ako at nagpaalam para makapagbihis man lang.

Umakyat na ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at nagpalit ng susuutin. Sandali lamang ako nag-ayos at bumababa na rin ako.

PAST

Vince's POV

NANDITO  kami sa loob at nakita ko ng nag-uusap sila kuya at kuya Shawn at habang naglilibot ako sa bahay nila ay bigla na lamang ako nabunggo ng kung sino.

"Aray!" mahina kong sabi at napahawak ako sa ulo ko isang matangkad na lalako kasi ang nakita ko at nang lingunin ko siya ngumiti ng kay lapad at sabay yakap sa akin.

"Bitawan mo nga ako!" inis kong sabi at nagpupumilit na kumawala sa yakap niya.

"Hindi mo ba ko naalala Helen? Ako 'to si Vince yung nobyo mo," saad nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

"Ha? Okay ka lang po ba? Sino po ba yung tinutukoy mo? Mali ka po ata ng tinutukoy, si Elle po ako hindi si Helen." pagpapaliwanag ko dito.

Tumingin lamang ito sa akin at pinagmasdan ang kabuuan ko na oara bang kinikilala ako ng lubusan.

"P-Pero alam ko ikaw 'yon. At kamukha mo talaga si..." naputol ang sinasabi niya ng biglang nagkaroon ng gulo sa itaas ng kwarto ni kuya Shawn kung saan doon sila nag-uusap.

Napaakyat kaming dalawa ng lalaking kasama ko at doon nakita ko na duguan ang may kaunting dalos ang mukha ni kuya Shawn.

"Bro, pinagkatiwalaan kita at tinuring na kaibigan pero ano? Bakit nasa sayo ang kapirasong larawan na ito at kailan pa!"inis na sabi ni kuya kaya nagtaka naman ako dahil wala akong naiintindihan

"Maniwala ka naman. Yung naospital ako nagulat ako dahil may box na maliit doon at nakita ko na lang yan tinabi ko kasi baka importante." buong inam niyang pagpapaliwanag.

The Journey of Detective Xian (Under Revisions) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt