***

Kaya simula noon sila na ang nakakasama ko. Bumukod narin ako sa Tita ko dahil nahihiya na ako sa kanila, I'm in the last sem of my college. Next Month graduation na namin, finally after all the struggles gagraduate narin ako. Architect ang kinuha kung course, I really love drawing. Hindi kami magkaklase kasi Business Management ang kinuha nilang course dahil sa business nila. Kianna's family is the owner of all condominiums and hotels, Chloe's family is the owner of a famous construction firm in the world. Inshort, they're rich.

"Hi girls!" Nabaling ang tingin ko kay Kianna na ngayon lang nakarating. Saan ba galing ang babaeng 'to? Classmate naman sila ni Chloe ah?

"Hoy! Saan ka galing?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Aba! Baka lumalandi na 'to?

"Diyan lang, may pinuntahan lang." sabi niya sabay kindat. Tapos na ang klase namin, tumatambay lang kami dito sa cafeteria saglit dahil tatapusin ko muna 'tong sketch ko.

"Baka lumalandi kana ah?" Sabi ni Chloe sa kaniya habang nagce-cellphone.

"Duh, no way!" Sabi niya sabay irap. Natawa nalang ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsketch ko dito sa cafeteria. Ito na ang huling sketch ko dahil pina-sketch nga samin ang buong campus. And ito ang last sketch ko dahil natapos ko na nung nakaraang araw ang iba.

•••

"Tara na," aya ko sa kanila at niligpit na ang mga gamit ko. Tumayo naman ang dalawa at kinuha na ang bag. Naglakad na kami papunta sa parking lot, yes may parking lot sila dito. Kuyaw! Naa'y parking lot. Kahit last sem ko na ng college dito di parin ako makapaniwalang may parking lot sila dito.

"Tapos ka na sa plates mo?" Tanong ni Chloe sakin habang naglalakad kami.

"Oo, yun na yung last sa cafeteria kanina." Sabi ko. Binuksan ko na ang shotgun seat ng Ferrari ni Chloe. Ihahatid niya kami ni Kian sa mga bahay namin. Ihahatid niya lang pala si Kian sa condo niya at ako naman ay sa apartment.

Bukas ako maghahanap ng mapapart-time job ko dahil kailangan ko na talagang magtrabaho. Kahit kasi nag a-apartment na ako ay si Tita parin ang bumabayad, palibhasa Seaman ang asawa at walang anak. Buti nalang sabado na bukas at walang pasok.

•••

"Dito na ako, Thank you Chloe!" Kumaway ako sa dalawa at umalis na sila. Ihahatid niya pa si Kian sa condo niya, madadaanan niya lang kasi ang condo ni Kian tsaka siya uuwi sa bahay nila.

Nilagay ko lang ang bag at mga sketch ko tsaka ako pabagsak na humiga sa kama ko. Napabuntong hininga ako, magsimula na akong mag apply para bukas, sana lang may bakante bukas at sana lang hindi na ako mahirapan pa.

*riiing riiing*

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at sinagot ang tawag ni Mama. Ngayon nalang ulit siya tumawag, last na tawag niya ay noong gumraduate ako ng highschool. Si Tita lang ang umakyat sa stage dahil hindi pa makapunta si Mama. Sabi naman ni Tita na baka papuntahin niya si Mama dito kapag gagraduate na ako ng college.

"Hello, Ma?" Sagot ko at nagbihis na.

"Anak? Kamusta?"

"Okay lang naman, Ma. Bakit?" Humiga ulit ako sa kama ko at nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

"Wala lang anak, gusto lang kitang kamustahin... kamusta ba pag-aaral mo?"

"Okay naman, Ma. Pagod lang pero kaya naman, kayo ba? Kamusta na dyan?"

"Okay lang din kami, nakapag trabaho narin ang kuya mo sa isang mall dito at manager na siya anak.." masayang sabi niya, napangiti naman ako. Hanggang 3rd year college lang ang natapos ni Kuya dahil hindi na kayang tustusan nina Mama ang pag-aaral niya. Buti na nga lang ako dahil pinag-aral ako ng Tita ko.

"Si Papa? Kamusta naman? Nagtatrabaho parin ba?" Ayaw ko na kasing ipa trabaho si papa kasi humihina na siya.

"Hindi na siya pinapatrabaho ng Kuya mo anak.." malungkot na sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, medyo mahina narin ang resistensya niya kaya ganun.

"Wag kayong mag-alala kapag nakapagtrabaho ako dito, papadalhan ko kaagad kayo.. Maghahanap na ako ng trabaho bukas." Sabi ko sa kaniya. Kung kaya ko namang ipagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, bakit hindi? As long as hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko.

Pagkatapos tumawag ni Mama sakin ay inayos ko lang ang mga plates ko dahil may ipapasa akong plates ngayon Lunes. At kung sakaling matanggap ako ng trabaho pasukan ko at baka maging abala na ako. Nag skincare lang ako tsaka ako humiga sa kama ko.

Sisimulan ko na maghanap ng trabaho bukas, at sana nga matanggap ako. Ayoko na umasa sa Tita ko dahil nakakhiya narin. Gusto ko ring padalhan sina Mama ng pera dahil baka hindi magkasya ang sweldo ni Kuya.

Wish you luck, Self!

_________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now