Chapter 4: Official

328 23 1
                                    

Official

Pagkapasok ko sa bahay ay todo ngiti ako. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa binitawang salita ni Niko. Claim as mine raw ibigsabihin gusto niya nga ako.

"Lalalalalala~" Pakanta-kanta ako habang naglalakad na papunta sa kuwarto nang biglang hinarang ako ni Mama.

"Ma?"

"Kanina ko pa napapansin na ang sipag mo ngayong araw at good mood ka 'nak. May nangyari ba? In love ka ba?" Puno ng kuryusidad ang kaniyang boses. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sabay tango.

"Ma, magkakaasawa na ako," masayang balita sa kaniya.

"diosporsanto!" usal niya. Agad niyang hinampas ang aking balikat.

Piningot niya ang aking kaliwang tenga.

"A-aray," daing ko.

"Anong asawa? Wala ka namang boyfriend!"

Nakasimangot ko siyang hinarap.

"Ma, sa panahon ngayon bawal na magbagal-bagal. For example, pinansin ka na ng crush mo aba kailangan harutin na ng tuloy-tuloy para magkadevelop-an tapos pakasalan na agad, doon din naman punta no'n," mahaba kong litanya. Parang expert ang datingan ko kahit never pa akong nagka-boyfriend.

"At Ma, hinalikan na kasi ako ni Niko sa lips ibigsabihin kami na. Sabi pa nga niya 'claim as mine' diba parang ano lang rated spg ang dating HAHAHAHA!"

Nakapameywang si Mama habang nagsasalita ako. Seryoso ang kaniyang mukha kaya umayos na rin ako.

"huwag ka masyadong assumera 'nak. Baka mamaya masaktan ka at umuwing luhaan sige ka."

"Amp, support mo na lang ako Ma."

"Ikaw bahala, malaki ka naman na."

I smiled. "Ma, punta na ako sa kuwarto," pamamaalam ko. Tumango siya bilang tugon.

Mabilis akong pumunta sa aking kuwarto. Saktong tumunog ang aking cellphone. I received a text message from Niko.

"Hoy babaita, liligawan kita." Napatahimik ako ng ilang sandali. Naghuhurumintado ang puso ko dahil sa natanggap na mensahe.

Ilang beses kong binalikan at binasa nang paulit-ulit ang sinabi niya. I'm still shock  that's why inabot ako ng tatlong minuto bago makatipa ng mensahe.

"Sure ka bakla? Baka chinacharot mo lang ako."

Mabilis siyang nakapagreply.

"101% baby. Kahit baliko, magiging straight ako pagdating sayo."

Oemji!

Mabilis na lumipas ang panahon, we became official and legal both side. Sinagot ko siya dahil naputunayan niyang mahal niya ako.

Walang mintis na araw na hindi ako naging masaya sa kaniya. Masarap pala sa pakiramdam kapag 'yong taong nagpapasaya sa 'yo ay iyong taong mahal mo. Nagkakasundo kami sa maraming bagay katulad na lang sa mga fafable. Ang lakas ng trip naming dalawa, sabay pa kaming naghahanap ng mga poging nilalang ng earth.

Napangiti ako sa mga alaalang iyon. Taon na rin ang inabot ng relasyon namin.

Sabado ngayon at naisipan kong yayain siya lumabas.

"Sis, gala tayo," I texted.

Tumunog ang aking cellphone senyales na may nag-text.

"Deretso ka na lang dito sa bahay baby tapos dala ka maraming pagkain."

Tinatamad siguro 'to. Nag-ayos na ako ng sarili at nang handa na ay umalis. Dumaan muna ako sa malapit na store at bumili ng kung ano-ano. Nang matapos ay bumyahe na ako papunta kina Niko.

Nakarating ako sa bahay nila. Hindi ko nakita sila Tita, baka umalis. Dumeretso na ako sa loob at naglakad papunta sa kuwarto niya.

Naabutan ko siyang pirming naka-upo. Asus ayaw lang niya talaga umitim kaya hindi kami lumabas! Napaka-arte ng baklang tow!

"Sis! I'm here!" Pagtawag ko sa atensyon niya.

Tumingin lang siya sa akin saglit at binababa na ulit ang tingin sa cellphone niya. Nilapag ko ang chichirya sa tabi. Nilantakan ko na ito, niyayaya ko pa nga siyang kumain pero mamaya na lang daw. Nakakainis.

"Oy cyst nakakaboring naman ihh!" Pagrereklamo ko.

Hindi niya ako pinansin. Tumalikod siya sa akin para siguro hindi ko siya maistorbo. Ang sarap bigwasan ng bayot na 'to.

Tumayo ako at pinahaba ang leeg para masilip kung ano pinagkakaabalahan niya at nakita ko puro pictures ng boys! Nasa Instagram pala siya.

"Ampotek pansinin mo nga ako! Ngudngod ko mukha mo riyan e!" pagalit kong saad.

"Edi gawin mo mas okay nga 'yon e duh~" Tinarayan pa ako ng bruha.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nakita kong parang naglalaway na siya sa mga nakikita niya.

"huhu sa akin ka maglaway huwag sakanila!" sabi ko sa isip.

Nakabusangot ang aking mukha, walang gana sa pag kain nang biglang may kalokohan akong naisip. Tignan lang natin kung ano magiging reaksyon sa gagawin ko.

Inayos ko ang sarili ko at ang off-shoulder kong pantaas. Lumapit ako sakan'ya at pumwesto sa likod. I'll seduce this gay boyfriend of mine.

"Love~" bulong ko sa tenga niya habang yakap siya. Nakita kong napalunok siya. Pagpatuloy mo lang self!

"Ayaw mo ba sa akin? Mas gusto mo ba sila?" saad ko sa malungkot at malambimg na boses. Maas lalo ko pang diniin ang katawan ko sakan'ya at pinaglakbay ang kamay sa tiyan papuntang dibdib niya. Hinalikan ko siya sa batok kaya ang resulta, tumindig ang mga balahibo niti at nanigas ang katawan. Nabitawan niya rin bigla ang kaniyang cellphone, success self!

"G-gusto k-kita," utal niyang sagot. Natatawa na lang ako sa isip dahil sa kalokohan ko.

"Kung gusto mo ako, dapat ako lang ang tinitignan mo hindi ang abs ng mga lalaking iyan." Hinalikan ko siya sa pisngi sabay sumiksik sakaniyang leeg niya. Tinagilid niya naman ang kaniyang ulo para mabigyan ako ng laya na amuyin siya ito. I withdrew a soft kiss to his neck.

"E kasi l-love ginagawa ko lang 'yon para mabaling ang atensyon ko sa katawan nila at hindi sa'yo. Masyado akong naaakit sa 'yo love baka mamaya hindi ako makapagpigil pero inaakit at sinagad mo na pagpipigil ko ngayon kaya---" Hinarap niya ako at tinulak pahiga sa sofa.

"Kahit bakla ako gusto pa rin kitang buntisin love," seryoso niyang ani. And me was like "tangina ang bilis naman! plano ko lang naman i-seduce siya hindi ko inaasahan na ganitooooo!" Kumakabog ng mabilis ang puso ko dahil sa p'westo naming dalawa. Napakalapit niya, anumang galaw ay kaya niya na akong halikan.

Naramdaman kong parang may tumutusok sa baba ko kaya tinignan ko and holy shit! That was huge men!

*tok tok tok*

Rinig kong may kumakatok. Baka si Tita na ito.

"Hehe love 'andiyan na Mama mo, pagbuksan ko lang," pagpapaalam ko. Tumakbo na ako kaagad palabas.

"AYAHHHHH BINITIN MO AKOOO! PANINDIGAN MO AKOOO JUSMEYO MARIMARRRR!" rinig kong sigaw niya sa loob. Wews muntik na 'yon!

Seducing my Gay Lover (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon