Chapter 1: Destiny

507 31 2
                                    

Destiny

Abot tenga ang ngiti ko nang makarating ako sa bahay. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Mama nang makita ako.

"Oh inutusan lang kita tapos pagkauwi, nababaliw na?"

"Mamshieeeee! Nakita ko na ata ang aking futureee husband hehe," kinikilig kong sambit. Patalon-talon pa ako sa puwesto ko, parang nagniningning ang paligid ko sa tuwing naaalala ko ang pagdikit ng aming labi. Ang lambot!

Bigla akong binatukan ni Mama. "Anong husband husband ka riyan?! Ni hindi ka nga marunong magluto. Kurutin ko singit mo, tigilan mo 'yan," masungit na sabi niya.

Ngumuso ako dahil doon. "Nasa tamang edad na ako Mama."

"Aba nakamove-on ka na sa long time crush mo? Eh, bukambibig mo nga siya rati tapos may pasabi sabi ka pang siya ang gusto mong maging asawa," aniya. Natigilan ako sa pag-iimagine nang nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Mama.

"Ah sino 'yon Ma? Limot ko na name pati mukha hindi ko na matandaan," seryoso kong sabi. Kumunot ang aking noo, inaalala ang crush ko raw rati.

Ang dami ko kasing crush, kada-araw ata may mga bago akong crush. Fictional characters, mga bida sa k-drama at palabas, tapos sa tabi-tabi. Buhay dalaga nga naman. Kung ayaw magjowa, yes to crush.

Pinangpalo sa akin ni Mama ang sandok na hawak niya. Namula agad balat ko ro'n.

Ang hirap maging maputi, hays.

"Aray naman Ma! Para saan 'yon?" Hinahagod-hagod ko ang parteng pinalo niya.

"Eh kasi mas tanda ko pa ang pangalan ng crush mo!" Magka-vibes talaga kami ni Mama kaya nga labidabs ko 'to kahit mas matalas pa memorya niya sa akin. Parang ako pa ang matanda sa aming dalawa.

Rumehistro ang gulat sa aking mukha. "Sa tanda mong 'yan Mama hindi mo nakalimutan?!"

"Anong tanda? Hoy, 'nak ang bata ko pa duh!" Lakas ng tama ni Mama, hays. Feeling bata, binibaby kasi ni Papa. Sana all. Kailan kaya darating ang araw na magiging sanggol ulit ako? Charot.

Kailan kaya ang araw na may tatawag sa aking baby tapos bigla akong rumupok agad sa boses niya like mawawala agad tampo ko. Hays.

"So, kung tanda mo pa Ma, ano pangalan niya?" curious kong tanong.

"Si Nikolai, 'nak. 'Yong baklang kinaadikan mo rati."

Nang mabanggit niya ang pangalan na 'yon, parang bumalik lahat ng alaala ko. Nagka-amnesia ako e, charot.

Nikolai

Paulit-ulit na sumagi sa isip ko ang pangalang iyan. Kahit nasa kuwarto na ako at may pinagkakaabalahan, siya pa rin. Hanggang sa makaidlip at magising siya pa rin.

Huwahhh nagtataksil na ako sa new crush ko!

Para maabala na ulit ako, inopen ko ang aking facebook account. Scroll nang scroll when a status and name caught my attention.

I met a crazy girl a while ago and I don't know why my heart beats so fast when she's near. Am I being a guy again?! Waaaaah gosh!

Posted by Nikolai Alcantara. Siya kaya ang sinasabi ni mader?

I stalked him immediately. I viewed his profile picture and I was shocked when I saw his familiar face.

It was him. 'Yong baklang hinalikan ko kahapon .

Bakit friend ko siya?! Omy, sabi ni Mama siya ang crush ko rati. Nikolai. Niko. Lailai. A scene suddenly flash.

Ayan na naman ang powerfive girls. Sayang talaga si Nikolai, naging bakla dahil sa kanila. Ang guwapo pa naman lalo na ang pangalan niya, chic magnet hays. He's not Nikolai pala, it's Nika.

Crush ko 'yan kahit bakla na.

"Alyanna, si crushie mo oh," Klaire said.

"Hinaan mo nga boses mo baka may makarinig." Pagsaway ko. Nakatitig lamang ako kay Nikolai na maarteng naglalakad papunta rito sa gawi ko. Sa likod ko nga pala sila nakaupo. Siniringan niya ako nang mahuling nakatingin sa kaniya.

Maraming nanghihinayang sa pagladlad niya. Sino ba namang hindi kung siya lang ang guwapo rito sa school, kidding. 

Luminaw sa aking isipan ang mga pangyayari. Nikolai and I were classmate in highschool. That explains why I had a familiar feeling towards him. And, kaya ko rin siya nakalimutan because I made a promised to myself. Nagkahiwalay kami no'ng nagthird year highschool na hanggang sa nagcollege, hindi ko na siya nakita. Then now, destiny find its way to meet him.


-----

Short update for now. Sorry. Enjoy reading!

Seducing my Gay Lover (On-going) Where stories live. Discover now