Prologue: Encounter

675 40 5
                                    

Encounter

Kilig na kilig ako habang binabasa ang istoryang tungkol sa magjowang bakla at babae. They're cute. Dahil dito pinapangarap ko na rin magkaboyfriend ng bakla. I even imagine myself with him. Parehas magpapaganda or he can be my stylist!

"AYAH!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa labas ng kuwarto. Naputol ang pagiimahinasyon ko.

"PO?" balik kong sigaw.

"Lumabas ka na riyan at may iuutos ako!"

Utos na naman. Bakit ba kasi wala akong kapatid? Oh, I forgot I have a sibling but missing. It's been 20 years since I didn't see my brother.  Lumabas na ako sa kuwarto't dumeretso sa kusina kung saan nandoon si Mama.

"Mahal kong Ina, ano po ang iyong iuutos?"

May inabot siya sa aking listahan at nakita ko roon ang sandamakmak na ipapabili niya.

"Ang dami naman..." bulong ko.

"Oh ayan, bilhin mo."

"Opo."

Half of me is happy kasi sa wakas, pupunta ako ng mall. Mabilis akong kumilos at nag-ayos.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa pupuntahan. Uunahin ko muna mag-ikot sa mga damitan bago bilhin ang mga pinapabili ni Mama pero nasayang lang oras ko dahil wala akong nagustuhan. Naglibot ako hanggang sa mapagdesisyunan ko ng dumeretso sa supermarket.

I scanned the list. Canned goods. Noodles. Junkfood. Biscuits. Hotdogs. Meat. Sugar. etc.

Hinanap ko na ang lahat at nabili na rin. Naglalakad na ako palabas ng mall nang bigla na lang may nakabangga sa akin. Nahulog ang iba kong pinamili.

"Anak ng potcha!" bulalas ko.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh," sarkastikong sabi ng bumangga sa akin.

"Aba? Huwaw? Ako pa talaga?" saad ko sa isip.

Pinulot ko ang mga nahulog bago inangat ang tingin ko't nakita ang guwapong nilalang na animo'y hinulog ng langit dahil hindi naman anghel ang ugali.

His brows narrowed. "What?"

I remained silent. I was mesmerize by his looks.

"Aish! Bahala ka nga riyan!" Umalis siya sa harap ko.

"Ang guwapo..." sambit ko nang makaalis siya. Sinundan ko ng tingin ang papalayo niyang likod and that's the time I decided na  sundan siya.

Gosh self  you're gonna stalk him huh?

Kung saan-saan siya nagpupupunta. Tinignan ko ang relo ko, napatampal na lang ako sa noo nang mapansin na masyado na akong nagtagal.

Tumigil ako sa paglalakad at naisipang umuwi na. Ngunit bago ako makatalikod, biglang may humila sa pulsuhan ko. Hinatak niya ako sa hindi gaanong mataong lugar. Natakot naman ako baka holdap na 'to kaya nagpupumiglas ako subalit napahinto ako nang marinig ang baritonong boses nito.

"Stop moving, will you?" iritado niyang tanong gamit ang matikas na ingles.

Sabi niya huminto edi huminto ako. Hinarap niya ako sa kaniya't napag-alaman kong siya ang lalaking nakabunggo at sinusundan ko mula kanina.

Titig na titig ako sa mapupula niyang labi, animo'y nilagyan ng lipstick dahil sa kapulahan nito. Pansin ko rin ang pagkakaroon niya ng clearskin nang lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Parang hinihipnotismo ako ng kaniyang mapupungay na mata.

He wet his lips and smirked as he noticed me that I didn't move in my place.

He cornered me. Hinarang niya ang kaniyang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko para hindi ako makawala. Palapit nang palapit ang kaniyang mukha hanggang sa naging isang dangkal na lang ang pagitan ng labi niya sa akin.

I closed my eyes as I imagined that he might kiss me. I waited his lips brush to mine but a minutes has passed, I didn't hear anything. So, I opened my eyes and I saw him looking at me with disgust on his face.

"Pft kaloka ka ghorl! I will never kiss a girl like you over my dead sexy body HAHAHAHA!"

My jaw dropped from what he said. Because of the tone of his voice, I confirmed that he's a gay.  Napagtanto ko rin na totoo ngang lipstick ang nasa labi niya, I thought it's natural.

"Hey, why are you looking at me like that?!" tanong niya.

"Sayang ka," sagot ko.

"Sayang? Whateve-" He paused when someone passed between us and that's a guy.

"Aaaackkk! Yummy!" He giggled.

He bit his lower lip and start moving like a 'kiti-kiti' gosh!

Nang tuluyang makalayo sa amin ang lalaki, tinarayan niya ako.

"Hoy! Aba bet mo rin 'yon?! Akin lang siya!" sigaw niya.

Kanina pa 'to, gusto ko na talagang patulan kaya hinalikan ko siya para tumahimik. Kahit naman pusong mamon siya at malambot, crush ko pa rin.

"WTF?! MY VIRGIN LIPS OMYGOSH!" mangiyak-ngiyak niyang saad at ako naman ay tinawanan lang siya sa isip.

"Ang pula ng labi mo, binawasan ko lang," maangas kong sabi.

Nanlaki ang dalawa niyang mata. May bigla siyang kinuha sakaniyang bag at nakita kong salamin ito. I just rolled my eyes.

"Arte."

Narinig niya ata dahil nabaling bigla ang atensyon niya sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin.

"AHA! Winawala mo ang usapan! Why are you following me?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Ah eh kasi ano hmm..." hindi ako makahanap ng palusot kaya tumakbo na lang ako palayo sakaniya pero huminto ako saglit at isinigaw ang, "HOY BAKLA CRUSH KITA!"

I saw his lips parted. I chuckled.

Sana magkita pa tayo...

Seducing my Gay Lover (On-going) Where stories live. Discover now