Season 1 Finale: Chapter Twenty Five

Start from the beginning
                                    

            "Johann naman, eh!" naiinis na bulalas niya

            "Misis..."

            "Huwag mo 'kong ma-misis-misis diyan! Niloloko mo 'ko! Pinaglalaruan mo 'ko!"

            "Hindi."

            "Hindi?! Then, what's that?" Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha. Nagsunud-sunuran na ang pagtulo ng mga luha niya.

            "Sino nagbigay nito sa'yo?"

            "It's not important anymore! Ang mahalaga ay ang picture! And that fucking picture hurt me, Johann!"

            Nagtagis ang mga bagang nito at kinuyom ang mga kamay. "Sino nagbigay nito sa'yo?" ulit nito. Seryosong-seryoso na ang boses ni Johann. Nawala na rin ang mga ngiti nito katulad nang nagalit ito sa kanya kagabi.

            Hindi siya sumagot. Nakipaglabanan lang siya ng tingin rito.

            "Sino nagbigay nito sa'yo?" Mas mariin na tanong ulit nito. "Sapphire."

            Wala nang lambing sa boses ni Johann. Well, what does she expect, eh, mukhang galit na rin ito?

            She held her chin up. "Si Bari."

            His teeth clenched. Tinignan ulit nito ang picture at saka nito binura. "Putang ina. Putang ina talaga," he cursed beneath his breath.

            Lihim na napangiwi si Sapphire. "Ano, buko ka na?"

            Tinignan siya nito. "Kapag ba sinabi kong ang picture na iyon ay hindi katulad ng iniisip mo, maniniwala ka sa'kin?"

            She didn't answer.

            Mataman itong nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito na inaasahan nitong sasagot siya ng 'oo'. And when she didn't, bumagsak ang mga balikat nito.

            "Bakit mas naniniwala ka sa iba kaysa sa'kin? Akala ko ba ako ang asawa mo?" malungkot na sabi nito at saka napaupo sa gilid ng kama. "Wala iyong halik na iyon. Wala talaga."

            "Liar."

            Napabuntong-hininga ito at tinukod ang mga siko sa hita. Nasapo nito ang ulo gamit ang mga kamay. "Bakit ka ba ganyan, Sapphire? Bakit ayaw mo 'kong pagkatiwalaan? Mag-aaway na naman ba tayo? Ayoko nang mag-away tayo. Ayokong nagagalit ka."

            "How can I trust you after what I just saw?"

            "Alam mo ba iyong kuwento sa likod niyon?" Tiningala siya nito. "Alam mo bang nagulat ako nang bigla niya 'kong hinalikan pero tinulak ko rin siya kaagad? Alam mo ba kung anong pumasok sa isip ko?" mahinang sambit nito. "Ikaw. Ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Alam mo ba kung anong na-realize ko? Mas gusto ko ikaw. Mas gusto ko mga halik mo. Mas mahal kita, eh."

            Napayuko siya at pinigilan ang mga luha. No. She's not going to cry again.

            "Sapphire. Alam kong... alam kong natatakot ka pa sa ganitong relasyon. Natatakot ka lang. Naiintindihan ko. Hindi ako magagalit sa'yo kung hindi ka pa magtitiwala ng buo sa'kin. Pero sana naman, paghinalaan mo na lahat, sige. Huwag lang iyong totoo kong nararamdaman sa'yo."

            She swallowed an imaginary lump in her throat. "J-Johann..." Napasinghot siya. "I guess, ako lang talaga ang hindi handa sa ganito. H-Hindi ko pa kaya."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now