CHAPTER 27 Fight

299 25 13
                                    

Mabilis kaming nagtungo sa bar na sinabi sa amin ni Eula. Pagdating namin ay nagkakagulo na sa loob. Hinanap ng aking mga mata ang kaibigan ko.

Sa likod ko ay si Adonis at Cresia. Humiwalay sa amin sina Mart at Mahinhin para madaling mahanap si Eula.

Grabe, may mga nagsisigawan. Hindi na sila makontrol ng mga security o bounce ang mga iyon. Sa dami ba naman ng nagkakagulo. Agad akong hinawakan ni Adonis at iniharang ang katawan nito sa aming dalawa ni Cresia.

Mausok sa loob at medyo nakakahilo dahil sa mga taong nagtatakbuhan. Tapos naroon pa ang amoy ng iba't ibang alak at sigarilyo.

"Ano ba itong pinasok ni Eula, bakit siya napunta sa lugar na ito?" Bulaslas ko dahil na rin sa matinding pag-aalala sa kanya.

Magkahawak kamay kami ni Cresia habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa laylayan ng damit ni Adonis, habang papalapit kami sa loob. Nang bigla na lamang may humila kay Cresia. Napalingon kami ni Adonis.

Hawak ngayon noong lalaking guwapo na may-ari ng cafe si Cresia na mukhang gulat na gulat.

Mukhang kinakabahan pa si Cresia at pilit inaabot ang kamay ko.

Hahawakan ko sana ang kamay niyang iyon nang bigla ulit nagkagulo at naglabasan ang ibang mga tao. Tuloy napahiwalay kami ni Adonis kay Cresia.

Hinila ko ang laylayan ng damit ni Adonis para makuha ang atensiyon niya. Lumingon naman siya sa akin at seryoso.

Napanguso ako.

"Huwag na lang kaya tayong tumuloy, baka mapano tayo," sabi kong nababahag na yata ang buntot.

Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pareho pa kaming napatingin doon. Tinanguhan niya ako hudyat na sagutin ko iyon.

Tinakpan ko ang isang teynga ng isang kamay at ang cellphone ay nasa kaliwang teynga ko.

"Hello!" Sigaw ko dahil maingay.

"Diozza!" Sigaw din sa kabilang linya. Si Mart iyon. "Nandito kami sa taas. Nandito si Eula at Bryan. Kailangan namin ng tulong..."

Naputol ang tawag niya. Nakakunot noo akong sumulyap kay Adonis na naghihintay ng sasabihin ko.

"Sa taas," turo ko sa may hagdan papuntang taas ng bar. Napatanong ako sa sarili kung bakit magkasama.si Bryan at Eula. Inignora ko muna ang katanungang iyon. "Kailangan daw nila ng tulong."

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Patakbo kaming pumanhik sa second floor ng bar.

Napakapit ako ng mahigpit kay Adonis dahil sa nakita. Pinapalibutan ng mga limang lalaki sina Mart, Mahinhin, Eula at Bryan. Nakaharamlng ang katawan ng dalawang lalaki sa mga kaibigan kong babae.

"Ang lalakas ng apog niyong kalabanin kami ah!" Sabi ng medyo matabang pandak. May dala itong tubo. Nakangisi ang mga kasamahan. Iyon siguro ang lider nila.

"Dito ka lang ha," saad ni Adonis sa akin at tinitigan ako sa mata. Alam niyo yun mga bhe, may babala sa mga titig niya pero napakacaring ng pagsasalita niya. Ayaw niya akong mapahamak.

Juice ko, maiihi pa yata ako nito sa kilig. Bawal pa naman makilig ngayon dahil sa sitwasyon.

Tumango ako at nagtago sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ko nang manduhan ng lalaking mataba ang kanyang mga alipores. Nakangisi ang mga ito na umatake kila Mart at Bryan.

Napasigaw sila Eula at Mahinhin. Siya namang biglang pagbagsak ng isang metal na upuan sa gawi ng mga kalaban. Natamaan ang isa at napatingin sila kay Adonis na may isa na namang buhat na upuan para i-itsa sa kanila.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon