Chapter 17 Valentine's day

298 49 38
                                    

Parang ang bagal nang paglipas ng araw. Lalo lang akong nasasaktan sa bawat araw na makikita o makakasalubong ko si Adonis kasama ang girlfriend niyang si Crystal.

Super proud si Crystal habang kasama at nakakapit sa braso ni Adonis.
May mga usap-usapan din na nagkapalit daw kami ng boyfriend ni Crystal.

Which is not true dahil hindi ko naman boyfriend si Bryan. At hindi naman ito nanliligaw. Kahit na nararamdaman kong may pahiwatig siya sa bawat kilos niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinag-aaksayahan ng panahon niya.
And I can't stop thinking na maaaring pinagpupustahan ako. O kaya naman ay ginagawang pampalipas oras lamang ni Bryan. Kung ano man iyon, ayaw ko nang pag-aksayahan pa ng oras para isipin.

It was a Valentine's day celebration sa school. May mga program pero hindi kami sumali. Pawang tagapanood lang kami.

May picture booth kaming nadaanan habang naglalakad. Hinila ko silang tatlo doon. Gusto kong magtabi si Mart at Mahinhin pero ayaw talaga nila. They were civil to each other pero ramdam ko ang malaking gap nila sa isa't isa. Na palaisipan pa rin sa amin ni Eula.

Nang may lumapit kay Mahinhin at nagbigay ng bulaklak. Malaki ang ngiti sa labi ni Mahinhin at nagpasalamat. Kahit noon naman ay talagang ito ang lapitin ng lalaki.

Tumikhim si Mart na ikinapawi ng ngiti ni Mahinhin. Kunot noong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Nang biglang lumapit sa akin si Ali, isa sa barkada ni Bryan. Nagbigay ito sa akin ng isang red rose.

Tinanggap ko iyon. Agad din itong umalis. Tahimik lang naman ang tatlo kong kaibigan at nakamasid lang sa akin.

"Tara!" yaya ko ulit para magpatuloy na kami sa pamamasyal.

Muli kaming naglakad. Nang si Ariel naman ang lumapit at nagbigay muli ng bulaklak.

Nagtaka na ako.

Tumingin ako sa aking mga kaibigan.
Si Eula na alanganing nginitian lang ako. Naglakad muli kami at si Jerome naman ang lumapit.

Medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kilala si Bryan at barkada nito sa buong campus.

"Ano 'to?" Hindi ko na napigilang tanong kay Jerome pero nginitian lang ako saka na umalis.

Ganoon din ang sumunod na pangyayari. Pito sa barkada nito ang
nagbigay sa akin ng bulaklak.

Nakarating kami sa gitna ng mga building kung saan ginaganap minsan ang mga activities kung maganda ang panahon. There is a heart shape made of petals. At nandoon sa gitna si Bryan, may hawak itong bouquet of red roses at isang teddy bear.

Nangatog ang aking tuhod dahil sa akin sila nakatingin. Bigla na lamang lumayo sa akin ang aking mga kaibigan. Nasa likod ko sina Jerome at in-eskortan nila ako patungo kay Bryan. I'm hesitating lalo na at halos nanonood ang lahat.

Noong naroon na rin ako sa heart shape ay iniwanan nila ako kasama si Bryan na nakangiti.

"For you," sabi niya at iniabot ang dala-dala. Nagdalawang-isip akong abutin iyon pero natakot akong ipahiya siya kaya tinanggap ko.

"Thank you, but..."

Nang biglang naghiyawan ang mga nakapaligid sa amin. Confetti and balloons are going down from the rooftop of the fourth floor building.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa isang tarpaulin na bumaba mula roon.

Diozza maganda
Can you be my girlfriend

Iyon ang nakalagay sa malaking tarpaulin.Tumingin ako kay Bryan na nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

Hindi ako makapagsalita.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. My eyes darted to the far side of Engineering building.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon