CHAPTER 22 ALONE

302 44 32
                                    

ALONE

"Diozza," tawag niya sa akin.

Napapiksi ako noong mapagtantong si Adonis ang humawak sa braso ko.

Ayaw ko siyang tignan, ayaw ko ring makita niya akong umiiyak kaya nagpatuloy ako sa paglalakad, para lamang pigilan ako ulit at hilain.

"Ano ba?"galit kong singhal. Ayaw pa rin siyang tignan.

Buti na lang at walang tao sa corridor dahil nga nag-umpisa na ang klase. Isa pa medyo malayo ito sa unang classroom kaya walang tao.

"Are you crying?" may pag-aalala sa boses niyang tanong.

Obvious ba? Common Adonis, stop this!

Muli ko siyang tinalikuran. Para muli lang akong pigilan sa kamay.

Sa galit ko, frustrations at heartache hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Malakas iyon dahil nangangapal ang kamay kong ginamit sa pagsampal. Ngunit halos hindi man lamang siya nasaktan sa sampal na iyon. Hindi natinag ang mukha niya at mataman na nakatitig sa akin.

Hilam ng luhang tinignan siya.
Madilim ang mukha niyang nakatitig sa akin. Pawang nagtitimpi ng kung anong emosyon. And his eyes, I see pain in his eyes. At mas lalo lamang akong nasasaktan. Kinukwestiyon ko ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan, bakit ako apektado ng mga mata niyang iyon.

Pero hanggang kailan ako magiging alipin ng mga matang iyon. Hanggang kailan ako magpapabilanggo sa nararamdaman ko sa kanya.

Just for once, please. I want to be the same Diozza before. I want to be back again, yung walang pakialam kahit nasasaktan. I want the strong woman before. Before him, I want me!

"Pwede ba tigilan mo na ako, Adonis." bulyaw ko sa kanya. I don't care anymore kung makita niya akong umiiyak. Pinagtutulak ko siya sa dibdib.

Hindi man lamang siya kumilos para pigilan ako. Hinayaan niya akong ilabas lahat ng hinanakit ko sa dibdib. Mas lalo nga lamang nagdilim ang kanyang mukha.

I swallowed hard.

"I'm not going to wait for you! Hindi ko bubulukin ang sarili ko kahihintay sa iyo na mahalin ako. Na piliin mo ako against the love of your life! Kung naaawa ka sa akin, forget that. I don't need your fucking sympathy. I can have a boyfriend in an instant if I want!" matapang kong saad kahit pa nga nanginginig ang tuhod ko kakaatras.

His dark face is getting darker even more. Palapit siya sa akin. Walang kaabog-abog niya akong nalapitan.

He cornered me. Nasa likod ko na ang pader.

"Say that again," madiin ang utos niyang iyon.

Tila naman umurong ang dila ko.

Tumawa ito ng pagak.

"So you're planning to make that Bryan your boyfriend ha! Bakit? Para ba pagselosin ako. Damn that plan!" napasinghap ako dahil sa galit na naulimigan sa kanyang boses.

"Why not. Guwapo siya. He cares for me. And..." pinahid ko ang luha ko sa mata bago magpatuloy. " He's rich!"

Bigla niyang sinuntok ang pader. Malakas ito at narinig ko ang lagutok ng kanyang mga buto sa kamay.
I scream as I cover myself with my hands.

"Tang-ina ng kayamanan na iyan." his angry eyes met mine. Napalingon ako sa may kanan ko. Nakakuyom ang kamao niyang ipinangsuntok sa pader.

"I don't believe that. Alam kong minahal mo ako kung ano ako!" saad niya habang ibinababa ang kamay na nasaktan.

I'm scared. Not because he seems aggressive, but because I might fall again. Kung hindi ko titigilan ito ngayon, masasaktan lalo ako.

"Nagkakamali ka. Maybe before, I don't care if you're poor. Kasi nga may pera naman ako. But you know what, I realize. I want extravagant gift. I want big surprises!" Sarkastiko kong saad.

"Kaya ko iyon ibigay sa iyo kung gusto mo!" Putol niya sa akin.

I laugh. But my mouth taste bitter.

"Kulang na nga sa iyo ang sinusweldo mo. Expensive gift pa kaya? Ni hindi ka nga makabili ng mas maayos na sasakyan. Hindi yong nagtiya-tiyaga ka sa bulok mong motor!" sinadya kong laitin ang motor niyang iyon.

"Sorry Spence, youve been good to me. Pinasaya mo ako habang dinadala mo ako sa ibat ibang lugar."

Spence is the name of the motorcycle.

His jaw clench as I speak more.

Go lang Diozza. Minsanan na lang ang sakit di ba.

"Be happy with Crystal. She change for you. Tanggap na niya ang pagkatao mo. Mahal ka na niya kahit mahirap ka. If you're guilty because I fell in love with you. Please don't, Its my fault anyway!" itinulak ko siya ng bahagya pagkatapos kong masabi iyon.

I change my way. Imbes na pumasok ako sa klase nagpasya akong uuwi na lamang. Tutal ay late na ako. Mabilis akong naglakad.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay napatigil na ako.

Pilit kong nginitian ang nagkukubling si Crystal.

She's not happy to look at. Parang naiiyak itong nakatingin sa mga mata ko.

Dahil ba nakita niya kaming nag uusap ni Adonis?

Nginitian ko siya.

Huh! Namamaga na nga ang mga mata ko sa kaiiyak. Pati ulo ko sumasakit na sa kaiisip. Bakit hindi nalang nila ako tantanan, tutal masaya na sila. Masaya na dapat sila!

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kaya lang, muli akong pinigilan.

Pinigilan ng isang yakap mula sa aking likod.

May tears fell again.

"Please stop this." I plead, lalo na at natutunghayan ni Crystal ang pagyakap na iyon ni Adonis sa akin.

Kakalasin ko na sana ang kamay niyang nakapulupot sa akin noong bigla siyang tumilapon.

"Sinabi nang tama na. Hindi ka na gusto ni Diozza!" isang baritonong boses iyon. Napaharap ako upang lalo lamang magulat.

I was shock. Halos ayaw magregister sa utak ko ang nangyayari.

Hindi ako makagalaw.

Parang nagdidilim na din ang paningin ko.

I close my eyes and open it again after seconds of darkness. I see Crystal, inaalalayan si Adonis na tumayo.

I see Bryan, pasugod muli ngunit pinipigilan ni Eula.

"Gago ka, ayaw na nga sa iyo, ipinagpipilitan mo pa ang sarili mo. Ipapaexpel talaga kita sa school na ito!" Banta ni Bryan.

"Do it. Hindi ako natatakot sa iyo. Lets see what's gonna happen." sagot ni Adonis na nagpunas ng dugo sa labi sa pamamagitan ng kamay.

Saka dumura para alisin ang dugong nasa bibig.

I couldn't react. Namamanhid ang buong pagkatao ko.

Nakikita ko sila pero parang hindi ko na sila marinig. Kaya nagpasya akong umalis, tumakas.

Tumalikod ako.

I walk away. I know someone is calling my name. Someone is grabbing my hands. Pero pilit kong iniwasan at iwinaksi ang kamay na nais pumigil sa akin.

I just want to be alone.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon