Chapter 1: Ugly Truth

29.1K 840 106
                                    


Nanginginig na hinawakan ko yung strap ng aking bag. Nang maramdaman kong may kung anong bumukol sa bandang lalamunan ko ay sumunod doon ang paghapdi ng dalawang gilid ng mata ko. I knew it. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa bawat mapanghusgang titig sa akin ng mga tao, sa bawat bulong na naglalaman ng masasakit na salita patungkol sa akin at sa itsura ko. I knew it.

Kailan ba ako masasanay?

Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa bulletin board para malaman kung anong section ko at ang numero ng classroom na kinabibilangan ko. Habang mahigpit ang hawak sa strap ng bag, pinipigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo ng makarating ako sa tapat ng board. Ayokong umiyak sa first day ng school

Kahit makapal ang balat ko, ramdam at bukod tangi sa pakiramdam ang titig  ng ibang estudyanteng kalapit ko sa pagtingin sa bulletin board, yung iba ramdam ang sapilitang pag lalaan ng distansya sa akin. Iyong iba pakitang tao, kunwari hindi nangdidiri pero sa kanilang imahinasyon, halos isama na ang mukha ko sa kinokolektang kaning baboy

Anxiety crawled through my skin, sinubukan kong ibaaling ang pansin sa paghahanap ng pangalan ko. Hindi ako nabigo nang kaagad ko naman itong nakita.

Arielle Anne Cuaderno

Bagong section ngunit ang iilan kong mga classmates noon ay kasama ko ngayon. Panibagong kalbaryo nanaman ba?

Aalis na sana ako nang maramdaman ko ang paninikip ng lugar. Parami na ng parami ang mga estudyanteng tumitingin sa board, ibig sabihin magiging matindi ang exposure ko ngayon! Kailangan ko nang umalis!

Nagsisimula palang akong humakbang nang may bulto ng katawan na nadikit sakin. Napalingon ako para tingnan kung sino 'yon

Rumihistro sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang lalaki, na batid kong nakikipagtawanan sa barkada nyang nasa likuran lang. Kumurap ako nang mamataan mga magaganda nyang mata at may kakapalang kilay na bagay naman sakanya lalo na kapag nakangiti ito. Hindi mestizo at hindi rin moreno, ngunit nanaig ang ganda ng brooding eyes at quirky smile nito. Ang gwapo nya

Malakas ang nagawa kong singhap nang napatingin siya sa akin. Akala ko sisimangot ito dahil nakita nya ang itsura ko ngunit laking gulat ko nang wala paring palya yung ngiti nya at itinaas baba nya yung kilay nya habang nakatingin sa akin na para bang binabati nya ako

Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang pangahas na pag-init nang buong mukha ko. Ilang mabibilis na hakbang hanggang sa tuluyan akong mawala sa bulletin board, napahinto ako nang makalayo na ako ng konti sa pwesto ko kanina. Ito yung unang beses na ngitian ako ng lalaki, ito yung unang beses na may bumati sa akin sa first day ko!

Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong nakikipagtawanan parin siya sa mga kabarkada nya. Sino kaya sya?


**

Naka-upo ako sa dulong bahagi ng classroom, dalawa lang kami ditong nasa hulihang row at sa tingin ko absent pa ang katabi ko. Nagtatawag na ng pangalan ang naka-assign na adviser namin sa taong ito. Natapos na sa mga babae at sinisimulan nang tawagin ang mga lalaki

Habang abala ang lahat sa kani-kaniyang mga mundo, inabala ko rin ang sarili ko sa bagong classroom. Pinagmasdan ko ang kabuuang lugar. Walang bago kumpara sa nakaraang taong classroom namin ngunit mas lumawak ang espasyo ng lugar, mas lumamig ang aircon at mas maayos ang interior nito

Buong buhay ko pinangarap kong magkaroon ng mapayapang school year, kahit isang taon lang. Ngunit dahil masamang tao yata ako noong nakaraang buhay ko, I wasn't that lucky in this lifetime. Halos ipagkanulo ko pa ang kaluluwa ko sa mga santo para lang maging payapa ang buhay ko

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon