Chapter Ten

28 0 0
                                    

Nicole's POV

Ilang araw na nag s-stay si Drew dito, Kahapon galing kami sa burol nung kapatid ni Manang. Napaaway pa ako dahil pinagkaguluhan siya ng mga babae doon. Duh? Parang hindi nakakakita ng Gwapo kaya kung mag inaso parang nauulol.

Pasukan na naman. At sabay kaming papasok ni Drew, hindi naman namin plano mag sabay kaso mag iinarte pa ba kami e iisang school lang naman ang pinapasukan namin?

"Halika na, Nicole! Uniform lang ang isusuot mo inaabot ka pa ng ilang oras." Sabi sakin ni Drew, habang pababa ako ng hagdan

"Oo nga ito na! Maaga pa naman wala naman silang pakialam kung malate tayo! Ang mahalaga pumasok." Sabi ko sa kanya

"Madami ka talagang katwiran! Ba't hindi ka mag lawyer ha?" Pang iinis niya.

"Kahit hindi na ako mag lawyer sure win na kapag ako ang humawak ng kaso." Pang aasar ko, napasimangot naman siya lalo.

Lumabas na siya ng pituan. Napa-iling ako, pikon as always.

Paglabas ko andoon na siya sa labas ng gate nakatayo sa may gilid ng sasakyan niya.

"Tara na." Pumasok ako sa passenger seat.

Pagpasok niya sa loob, tumingin siya sakin

"Ano ako? Driver?" Tinaas niya ang kilay niya

"Oo. Ikaw mag da-drive diba? O dali na. Tama na ang arte, Let's go" Sabi ko sa kanya. Napailing nalang siya tsaka niya ini-start yung sasakyan.

Dahil malapit lang ako sa school e wala pang five minutes nakarating na agad kami. Binaba niya na ako sa gate kasi mag pa-park pa daw siya, hindi na ako nag hintay dahil late na late na ako sa first subject ko.

Pagpasok ko sa room lahat sila nakatingin sa akin.

"Ngayon lang ulit naka-kita ng maganda?" Tinaasan ko sila ng kilay, sabay sabay naman silang nagsi-alisan ng tingin.

"Minsan na nga lang pumasok, Bossy pa" Bulong nung babae. Hindi ko na siya pinansin dahil masiadong maganda ang araw ko para sirain lang niya.

Maya maya rin ay dumating narin ang professor ko. Tinignan ko ang palagid kung may close ako, at nakakalungkot dahil wala. Just kidding! As if naman na ikakamatay ko ang pag iisa sa isang subject? Pakialam ko sa kanilang lahat?

"Miss Imperial, Nice to see you again" Ngiti sakin nung prof ko. Well, Isang beses lang kasi kami nag ka-klase sa kanya tapos palagi pa akong absent. Kaya wala akong kilala sa mga classmate ko. Pero hindi naman ako pumasok para makipag kaibigan.

"It's not nice seeing you again" Ngumiti ako sa kanya. Inirapan niya naman ako

"Care to explain why you don't attend my class?" Itinaas niya ang kilay niya. Idol ba ako nito? Tahimik lang ako sa likuran tapos e-eksena siya? Sabagay kaysa kausapin ko ang sarili ko.

"Bakit? Tinanong ba kita kung bakit ka late ngayon?" Balik kong tanong sa kanya.

"No, But I have the----" Hindi ko na siya pinatapos

"Edi wag mo akong pakialaman. Hindi ka ba nahihiya sa mga estudyante mo? Nag babayad sila ng mahal na tuition dito para matuto tapos uubusin mo ang oras mo sa pag tanong bakit hindi ako pumapasok?" Nag react lahat ng mga estudyante na andito.

Maraming nag bulungan may ngumi-ngiti sakin but I didn't manage to smile back. Close ba kami?

"Okay then," Ngumiti siya sakin. At nagsimula nang mag klase.

Sa mga susunod na subject ay tinatamad na ako. Wala akong classmate sa tropa dahil 4th year na silang lahat. Lumabas nalang ako ng room at makatambay sa Library para makatulog.

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon