Chapter Thirteen

26 0 0
                                    

Nicole's POV

Isang linggo narin ang nakalipas, Panalo si Samatha ng 1st Runner Up. Wala akong pakialam sa title holder dahil hindi siya mahalaga, at kasali pala doon si Cassandra. Aba? Napakalakas ng loob. Hindi ko alam na natanggap na ng walang beauty ang beauty contest. Hays! Buti nalang hindi talaga ako sumali.

Nakauwi narin si Drew, tahimik narin ang mundo ko. Bukas pa yon mangyayari! Dahil itong bwisit na Drew eh gagawin pa akong katulong para sa anniversary nila ni Samantha. Nag iinarte din 'tong lalaking 'to e! Wala ngang forever. Letse!

Sabado naman ngayon, imbis na nasa parlor ako e papunta kaming mall ngayon.

"Ganito ka ka-cheap at sa mall mo dadalhin yung girlfriend mong mas sosyal pa sa aso?" Tanong ko sa kanya, napatingin naman agad siya sakin.

"Hindi aso ang girlfriend ko" Malumanay niyang sinabi.

"Oo nga pala. Ikaw nga pala ang aso, ganon yung mga aso diba? Habol na habol sa amo nila?" Ngumiti ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, aba girl!

"Kung wala kang sasabihing maganda, paki tahimik 'yang bibig mo." Sabi niya sakin

"Nicole" Pag tawag ko sa pangalan ko.

Bahagya naman siyang napatingin sakin.

"Nicole" Pag uulit ko.

"Alam ko ang pangalan mo. Diba sabi ko mag salita ka lang pag may sasabihin ka nang maganda" Sabi niya.

"May sinabi akong hindi? Nicole nga. Ang ganda diba? Hindi lang pangalan pati yung may ari pa. Tsaka sino ka naman para sundin ko diba?" Sabi ko sa kanya, hindi na siya kumibo.

Hanggang sa makarating kami sa Mall tahimik lang siya. At nakaka-bwisit 'yon, kaya nilayasan ko siya.

Ipag-gro-grocery ko nalang yung bahay ko. Pinagalitan na ako ni Manang kanina dahil walang laman ang Ref. Eh kase naman palagi kaming kumakain sa labas ni Drew dahil tinatamad kaming magluto.

Nararamdaman kong may nag vi-vibrate sa bag ko. Kinuha ko naman ang phone ko

'Drew calling...'

Hindi ko naman 'yon sinagot. Maya maya ay nag ring ulit siya.

Bahala siya sa buhay niya, Ilang beses siyang nag ring hanggang sa makatapos ako sa pag grocery. Tinawagan ko naman si Manang para ipasundo kay Mang Rudy (Her husband) pinag grocery ko. May balak pa naman ako mag shopping.

Papasok na akong ng parking kaso hinarang ako ng guard.

"Ma'am bawal po ang Cart sa loob" Sabi niya sakin.

"Ay talaga? Pakialam ko naman?" Tanong ko

"Iwan niyo nalang po dyan yung Cart." Sabi niya sakin, Eh kung siya kaya pag buhatin ko ng maraming plastik?!

"Tanga ka ba? Hindi ko kayang mag bitbit ng maraming plastik papuntang sasakyan. Wag ka mag alala, Hindi ko naman iuuwi yan dahil hindi ko ikakayaman yan." Tinaasan ko siya ng kilay. Duh? Parang lalamunin ko naman yung cart.

"Pasensya na Ma'am. Nasunod lang po sa utos" Sabi niya pa ulit. Mahaba na ang pila dahil sakin

"So? Ako pa ba ang mag a-adjust sayo? Alam mo hindi na 'to hahaba kung papayag ka nalang. Hindi porket taga check ka lang kung may bomba ang bag ng tao e hindi mo na gagamitin ang utak mo. Hindi ako octopus para madala lahat ng gamit ko. Babayaran ko nalang ang paglabas nitong cart na 'to, baka kasi ikahirap pa ng mall na 'to" Hindi ko na siya pinansin at dumaretso na sa labas

Naghintay ako ng ilang saglit kay Mang Rudy sa may parking.

"Nak, Kanina ka pa?" Tanong niya sakin habang kinukuha sakin yung cart.

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon