Chapter Eleven (1)

26 0 0
                                    


Nicole's POV

Hanggang ngayon bothered parin ako sa nangyari kahapon. Katulad ng sinabi ko hindi ako kasing yaman na inaakala niyo, tsaka imposible na mag padala si Papa ng ganong kalaking pera para ipang shopping ko lang.

Nagbibigay si Papa ng sapat na pera para sa panluho ko lang, pero palagi parin akong dinidisiplina na hindi lahat ng gusto mo kailangan mong makuha. That's what I like about my dad, Binibigay niya yung kailangan ko pero hindi lahat ng gusto ko. Ayaw niya kasing maging spoiled ako, partida na daw hindi pa ako spoiled pero ang ugali ko iba na.

Hindi naman daw niya kasi pinupulot ang pera hindi naman daw siya nagpapakahirap sa ibang bansa para lang ilustay ang pera sa pambili ng hindi mahalaga. Odiba? Akalain mong ganon siya kagaling sa pag papalaki ng anak?

Sinabi ko na rin kay Mike na wag nalang ipagsabi muna yung nakita niya wala rin muna akong balak na sabihin yon kay Papa. Basta hindi ko ginastos yung pera, baka mamaya ginamit niya lang yung ATM ko para sa negosyo niya. Kaya yung ibang ATM nalang ang pinagkuhanan ko ng pera.

Ngayon naman ay nakatunganga lang ako. Naulan kasi at walang pasok, Aba? Nabagyo na't lahat papasok pa rin kami? Hindi kami waterproof! Perks of Entering High Class School. Kapag may bagyo suspended ang klase. Oh well!

Yung ungas na Drew ay malamang nandoon lang din sa kwarto. Wala rin namang ibang magagawa sa bahay. Nakaka isang linggo na rin siyang nandito, medyo less na yung pag tatalo namin kasi tahimik lang siya. Ewan ko dyan! Bipolar yan e!

Nagugutom ako! Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Ayun lang! Sa sobrang wili ko bumili ng damit wala akong pagkain na nabili.

Pumunta ako sa kwarto ni Drew.

*Knock Knock*

"Pasok" Binuksan ko na agad yung pinto.


Pagpasok ko madalim yung kwarto niya, lamp shade lang ang nag sisilbing liwanag nito. Ang lamig pa tapos ang bango. Ok? What did I just say?


"Samahan mo ako, Nagugutom ako. Drive-thru tayo" Sabi ko sa kanya

Nandoon siya sa kama naka-upo hawak yung phone niya tapos naka sandal siya sa head rest.

"Ayoko, Bodyguard mo ba ako?" Kalmadong tanong niya. Inirapan ko siya kahit alam kong hindi niya yon masiadong naaaninag.


"Wala ka naman dito kung hindi 'diba? Halika na kasi! Daming arte" Sabi ko sa kanya


"Malakas yung ulan! Wag kang pasaway" Sagot niya naman


"Bakit? Maglalakad ba tayo? gamitin natin sasakyan mo!" Sabi ko sa kanya. Wala na siyang nagawa at tumayo na siya

Nakasando lang siya tapos nakaboxer. Napansin ko yung mga tattoo niya sa katawan niya

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik na sa kwarto ko para mag palit ng suot. Nag short lang ako tapos nag long sleeves hanging shirt. Nag dala rin ako ng purse na nag lalaman ng cellphone at wallet.

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon