Part 8 - Breakfast <3

28 1 0
                                    

Linggo na ng gabi, kanina mga 4pm umuwi na si Jen.

May pasok pa kasi, napansin ko yung oras.

10pm na, pero dipa ko dinadalaw ng antok,

Nakahiga nako. Biglang nagvibrate yung phone ko.

May nagtext, pag tingin ko kung kanino galing.

Napangite ako.

From: Matt.

Hi Kyloves, Missyouuuu-_-

Ang epic ng sadface niya, pero natutuwa ako.

Mareplyan na nga lang.

To; Matt.
We? Hahaha.

Inaantay ko yung reply niya, kaso nagvibrate.

Pero hindi na text. Tawag na. Hahaha!

[Hello?]

[Oh? Napatawag ka.]

[Inaantay ko kasi reply mo. Kaso hindi pala I miss you too.]

Natatawa tuloy ako sa mga sinasabe niya.

[Haha, sige na nga! Missyoutoo]

[Kyloves, Miss talaga kita.]

Pero this time, seryoso yung boses niya. Natameme ako!

[A-ah, ganun ba. Sige na Matt. Bye na! Goodnight.]

[Hm, sige see you bukas.]

Then naputol na yung tawag.

Pero parang kinikilig ako? Hahahah.

-

Papasok nako ng gate ng school, maaga pa ata? Haha. Kasi dipa nagkakagulo sa loob. Napansin ko din ng konti pa tao.

Pagdating ko sa room, konti pa lang din ang mga kaklase ko. Sinubsob ko muna yung mukha ko sa  desk ko, tinignan ko yung phone ko. May mga text, yung iba puro GM. Pero may text si Matt.

Binuksan ko agad.

From: Matt.

Goodmorning Kyloves.

Paksyet, Kinikilig ako! Anu ba to. Hahaha!

Naaalala ko, wala pala kong load. Kaya di ko na nireplyan. Tapos may nagtext ulit. Akala ko si Matt nanaman. Kaso hindi.

From: Unkown Number.

Kyla. -.-

Sino naman kaya to? Napaisip ako, pero di ko nalang idedelete yung number. Para pag nagkaload ako.

Nagulat ako sa taong nakatayo sa harap ko, akala ko nanaman si Matt. Kaso si ano to eh!! T-teka, bat andito to sa harap ko?

"A-anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

Wala akong sagot na narinig, bigla nalang niya hinawakan yung kamay ko. Tapos hinila palabas ng room!

"H-hoy a-ano ba, San mo ba ko dadalhin Gelo?"

Pero di niya ko sinasagot. Nakakainis! Buti nalang maaga pa, wala pa masyadong tao dito sa loob ng school.

Nakarating kami sa rooftop.  Ang lamig dito.

Umupo siya, tapos binuksan niya yung paperbag na dala niya.

"Ano bang trip mo at dinala mo ko dito?" Naiirita nako, kaya tinarayan ko na siya.

"Upo na." Ayun lang sagot niya.

Tapos nakita ko yung laman ng paperbag. Puro pagkain.

"Kumain kana ba?" Tanong niya sakin, pero nakangite siya."Tara na dito, samahan mo kong kumain."

"Hinila mo ko paakyat dito, para lang samahan kang kumain? Aba tindi mo ha." Sinusungitan ko padin siya.

"Wag ng maarte." Tapos tumingin ulit siya sakin.

Nakita ko nung binuksan niya yung isa, OMG! Bacon, nakaramdam din ako ng gutom. Di pala ko nakpag breakfast. Kasi maaga umalis si mama.

Umupo nako sa tabi niya, at kumain nadin.

Medyo nahihiya pa ko, tapos tinignan niya pa ko.

"So favorite mo pala yunt bacon huh?" -Gelo.

"Pano mo nalaman?-ako.

"Halata naman eh, puro yung bacon nilalantakan mo! Oh, eto pancake. Tikman mo, masarap yan." Tapos inabot niya sakin. Aba gentleman din pala to.

"Bakit mo ko niyaya dito?" Tanong ko sakanya.

"Wala, Gusto ko lang may makasabay naman ako mag breakfast. Lagi nalang kasi ako magisa." Sagot naman niya. Pero prang malungkot.

"Ah, Eh bat ako? Di naman tayo close diba?"

"Tss, dami mong tanong, kumain kana jan." Tumayo na siya. "Pagtapos mo, iwan mo nalang yan. Ako na bahala mamaya." Paalis na sana siya.

"T-teka lang." Tawag ko sakanya.

Tumigil naman siya, at humarap sakin.

"Oh bakit? Kulang paba yan?" Natatawang sabi niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito.

Ang cute niya talaga.

Nagpout muna ko bago ko sumagot.

"Sira, di noh. Salamat nga pala ha."

Nginitian niya ko." Wala yan, bilisan mo na din. Malapit na magring yung bell." At umalis na siya.

Napapaisip ako, bakit kaya ganun yun? Di naman kami close. Alam ko nauumay pa nga siya sakin eh.

Tumingin ako sa paligid, wala naman siguro makakakita kung magyoyosi ako dito. Nabusog kasi ko. Hahahah! Nagsindi nako, then maya maya bumaba nako. Sakto nagring yung bell.

Pagpasok ko ng room, andun na sila.

Lumapit sakin si Matt.

"San ka galing?" Tanong niya habang nakangiti ng todong todo. Hahaha!

Tumingin muna ko kay Gelo, nakangite din. Pero hindi siya nakatingin sakin. "Uhm, Diyan lang sa tabi tabi."

Umupo nako sa upuan ko, napapangite talaga ko.

Hindi ko alam kung ano nakain ni Gelo. At bigla bigla nalang ako hinila papuntang rooftop para mag breakfast. Nababaliw na siguro siya. Pero kung ano man yung dahilan. Hindi ko alam, basta masaya ako :)

The Badboy Is Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon