Part 7 - Memories :)

13 1 0
                                    

Kyla's POV

Nagising ako sa init, sabado pala ngayon.

Walang pasok, tatayo na sana ko ng biglang nagring yung phone ko. Pagtingin ko sa screen, haist!

Wala kong nagawa, kundi sagutin. Hahaha!

"BESS!!! HELLO? IMISSYOU."

Ang sakit talaga sa tenga ng boses nitong bestfriend ko. Tsk tsk!

"Ano ba bes, sakit sa tenga! Baket ba?" Inis na sabe ko sakanya, ang kulit kasi.

"Tss, wala man lang i miss you too? Osge bye na, antayin mo nalang ako jan. OTW na din ako."

"Gagawin mo dito?! Hahah."

"Ge na bessy, bye! See you later. Hihi"

Manggugulo nanaman dito sa bahay yung bestfriend ko, pero miss ko na din siya eh.

"KYLA! baba na, kakain na tayo!" Sigaw ni mama.

Nag ayos na ko ng sarile ko, pagbaba ko! Shemay, ang bango ng luto ni mama. Hahaha!

"Ma, pupunta si Jen."

"Oh? Kailan, naku namiss ko ang batang iyon."

Nakangiteng sabe ni mama.

"OTW na siya ma."

Close kasi ni Jen ang parents ko, pano since elementary bestfriend ko na siya. Pareho kasi kami ng ugali. At siyempre pareho kaming maganda. Hahah! joke lang. Kumakapal na masyado mukha ko.

"BESSYYYYYY!!"

Muntik na kong mabulunan, ingay talaga. At andito na nga talaga ang bff ko. Hahaha!

"Hi tita! Lalong gumaganda ah."

Tss, pati si mama binola pa.

"Bes, wag mo nga bolahin si mama baka maniwala yan sayo eh. Hahaha!" Sabi ko, at yung mukha ni mama halatang inis.

"Tse, maganda pa talaga ako nuh" naiinis na sabe ni mama pero halatang natutuwa.

"Onga naman bes. Ganda ganda ni tita eh."

"Osya, tama na. Iwan ko muna kayo. May kailangan akong bilhin sa mall." Sabe ni mama. Nako, magpapa salon lang siya eh.

"Sige ma. Dont forget my bacon, okay?"

"Bessy, mukha ka padin bacon. Hahaha"

Nagtawanan kame ni Jen. Hanggang sa umakyat kami sa kwarto. Daldal siya ng daldal! Haha.

Nagbukas ako ng laptop, at nagpatugtog. Kinabet ko pa sa speaker. Si bessy namili nung kanta.
JAR OF HEARTS BY CHRISTINA PERRI.

"Bes." Tawag sakin ni Jen. Pero seryoso yung mukha niya.

"Ow?" Tipid na sabi ko.

"Alam mo, dami naghahanap sayo sa school. Nagtataka sila kung bakit ka lumipat." Mukhang malungkot tong bestfriend ko habang nagkkwento.

"Sus, miss mo lang ako. alam mo naman diba bes? Kung bakit kailangan kong lumipat. Dahil sa trabaho ni Papa." Nakangiteng sabi ko.

"Dahil dun lang ba talaga?" -Jen.

"Tss, ano ba bes? Kailangan pa ba natin pag-usapan yun? Unti unti na kong nakakalimot. Wag mo naman ipaalala." Seryosong sabi ko kay Jen.

Bigla naman lumipat yung kanta. KUNDIMAN BY SILENT SANCTUARY.

"Kasi bes, bat kailangan mo pang lumipat? Kung gugustuhin mo, pwede naman na di ka lumipat ng school diba? Ang dami mong nasayang don. Kaming mga kaibigan mo. Diba?" -Jen.

Pakshet naman oh, ayan na! Pumapatak na yung luha ko. Sumasabay pa yung kanta. Haist!

"Alam ko naman eh. Akala ko ba napagusapan na natin to dati bes. Nahihirapan din ako! Pero bes, diba mas lalo akong mahihirapan? Kung hindi ako lumipat. Di ko kaya na araw-araw makikita ko siya. Na araw-araw kahit saan sulok ng school na yun ako tumingin may good and bad memories kaming dalawa. Tapos araw-araw din akong iiyak? Shit naman bes." Humagulgol nako ng iyak. Ang sakit sakit padin pala.

Niyakap naman ako ni bes. "Shh, okay lang bes. Sige iiyak mo lang lahat. Ilabas mo, para hindi na masakit. Sorry for opening it again bes. Im so sorry talaga. I just wanted to know, na siya padin pala talaga ang reason." Sabe ni Jen habang nakayap padin sakin.

"Bes, Gusto ko na siyang kalimutan. I swear." Patuloy padin ako sa pag iyak, bakit ganun? Ramdam ko padin yung sakit.

"I know bes, alam ko yung nararamdaman mo. But i want to tell you something." Tinignan ako ni Bes, at ako nagtataka kung ano yung sasabihin niya.

"A-ano yun bes?" Nagpunas ako ng luha ko.

Habang garalgal padin yung boses ko.

"Pagka uwi niya, first day of school. Kaklase ko siya bes. Alam mo ba, ibang iba na siya. Alam ko nasaktan din siya sa nangyari sainyo." Diretsong sabi ni bes sakin.

Parang may tumusok ulit sa dibdib ko, ang sakit. Sobra. "I dont care bes. Wala na kong pakialam kung nasaktan siya o hindi." Nasabi ko ba talaga to?Tsk!

"Okay, Tara? Lets go shopping." Nakangiting sabi bi bes. Pero halatang nag aalala siya. "Tama na drama, Mamaya ulit."

"Gaga mo bes. Sige tara?" Napangite ako kay Jen. Iba padin pag nailalabas mo lahat.

Andito kami sa isang mall. Tuwang tuwa ang bestfriend ko, mag BOY HUNTING daw kami. Hahaha akala ko ba shopping?

Pumunta kami sa isang botique, pili pili tas kuha! Tapos ikot ulit. Napahinto kami ni Jen sa store ng Blue Magic.

"Bes, tara. May titignan lang ako." Yaya ko kay Jen. Tumango naman agad siya.

Nahagip ng mata ko yung isang teddy bear na kulay white. At may hawak na heart, tapos may nakasulat na "ILOVEYOU" Naalala ko tuloy yung binigay niya sakin dati. Gantong ganto yun eh.

Natulala ako sa teddy bear ng halos mga limang segundo, bigla naman hinatak ni Jen yung kamay ko.

"Bes tara na? Akala koba?" Inirapan pa ko.

Lumabas na kami.

Tapos napaisip ako, tama si bes. Pinapahirapan ko lalo yung sarili ko. Siguro Its about time na talaga.

I need to move on, and let go of my past, with him.

Oo aminado ako, sakanya lang ako nakaramdam ng sobrang saya. He is my first in all.

The Badboy Is Mine.Where stories live. Discover now