Thirteen

16.8K 430 115
                                    

Akemi.

"Next time partner na kita ah?" sabi ni Ken at rinig na rinig yun ng mga tao. Naghiyawan nga kami eh, si Lux ayun naka-cross arms.

"Tss, ano ulit yun?" tanong ni Akane.

Jusme, diba hearing yung sixth sense niya? Impossible na hindi niya narinig yun. Pero baka siguro nagpapakipot lang. Tumawa naman si Ken at inulit yung sinabi niya kaya tinulak siya ni Akane at um-oo habang nagba-blush siya. May something?

"Akemi, tayo na" sabi ni Hiro at hinila niya ako papasok ng dome.

May pinindot nanaman si Ma'am Michiko sa labas at biglang may nag-appear na isang staff. Bakit isang staff lang? Dalawa kami dito, ano yung pagde-defend ni Hiro?

Then, naalala ko nung PE dati wala silang weapon at may ginagawa silang movement gamit yung kamay nila. I don't know kung anong tawag dun, or karate yata? O baka taekwando. Ewan. basta kinuha ko yung staff at sinusubukan kong isipin yung tinuro na Jodo sa akin ni Ma'am Michiko.

Zen Nihon Kendō Renmei Jōdō yung gagawin ko habang si Hiro, karate nga. May lumabas na tatlong robots pero hindi sila gawa sa metal kung hindi sa wood. Yung dalawa walang weapon tapos yung isang malaki meron.

Tinignan ko naman yung aim namin. Stomach, Head and Joints. Tinignan ko si Hiro at sinabi niya sa inner voice na yung sa kanya yung stomach at sa akin yung head tapos sabay kami sa malaki mamaya sa joint.

Sabi ko una na siya dahil medyo natatakot ako. Tumakbo siya papunta doon sa isang robot na stomach yung aim, tapos sumuntok siya sa magkabilang side nung robot, hindi niya tinamaan yung robot purposely. Ginawa niya yun para maalis yung kamay ng robot doon sa may stomach. Nung wala ng sagabal sa stomach niya, ginamit ni Hiro yung tuhod niya tapos natamaan yung stomach kaya nag-disappear na yung robot.

Tinanguan niya naman ako kaya kinuha ko yung staff ko at pumunta doon sa isang robot na walang staff. Gumawa ako ng trick shot katulad ng ginawa ni Hiro, kunyari ko siyang inattack sa stomach at napunta doon yung mga kamay niya, tapos inikot ko yung staff ko papunta sa ulo niya pero na-block nya yun. Hindi ako mabilis tapos nabalibag ko yung staff ko palayo sa akin. Kaya nataranta ako at sinipa ko yung robot sa head. Hindi ko alam na I'm capable of doing that.

Nakarecover naman ako at kinuha yung staff ko at pinaikot ko ito tapos natamaan ko na yung robot at nagdisapper na rin.

Humihingal ako pero hindi pa tapos, nasa tabi ko na si Hiro at parehas namin sinugod yung malaking may staff. Kinuha ni Hiro yung paa ko at inikot niya ako sa ere, since nasa baba ako na-knock ko yung knees at nawalan yung robot ng balance. Binato nanaman niya ako sa ere at habang pababa ako tinamaan ko yung elbow nung robot at nag-disappear na siya.

Nag-apir kaming dalawa ni Hiro at lumitaw yung time namin. Woah, 5.7 seconds?

Lumabas na kaming dalawa at pinalakpakan kami. Nag-thankyou naman ako sa kanila.

Aalis na sana ako tapos biglang hinawakan ni Hiro yung wrist ko tapos hinigit ako palapit sa kanya. Yinakap niya ako. Bakit ang bango niya? Eh, Akemi! I hugged him back at naghiyawan nanaman yung mga tao. Gumagawa ba kami ng commotion?

"Congratulation hug, Akemi" sabi niya at umalis na sa pagkaka-hug, "Tsansing ka ah" he teased.

"Ikaw kaya, ikaw nauna eh!" sabi ko at pinigil ko yung sarili kong ihampas yung kamay ko sa kanya, kawawa yung biceps- I mean, baka tignan niya ako ng masama.

"Sino bang umaamoy amoy sa akin?" sabi niya and I felt my face flushed with embarassment. Hindi naman sadya eh! Kainis naman.

"Ewan ko sayo" sabi ko at tinalikuran siya. Narinig ko pa siyang tumatawa-tawa.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon