One

55.2K 1K 122
                                    

Akemi.

Two years, matapos ang two years babalik na din kami sa Pilipinas. I miss Dad, kahit halos araw-araw kaming nag-uusap sa binigay na watch ni Sir Hayate na may built-in hologram sa loob at nakakapagkita kami ni Dad doon. Parang skype, but more easy and hindi na kailangan ng wifi. Just batteries, special ones.

"Akemi, pwede mo bang gisingin sila Riye? Para naman makasabay natin sila sa pagkain" sabi ni Reiji.

Um-oo naman ako at pumunta sa taas para tawagin si Akane at Riye, nauna akong nagising sa kanila dahil nakalimutan kong mag-impake. Sana nga na-impake na nila yung sa kanila, sana naman oo kasi sa dami ng gamit ni Akane, parang kukulangin ang isang dekada.

Nakarating na ako sa pintuan ng room naming girls. I knocked, hoping for someone to answer, baka kasi gising na sila. Pero, tulad ng inaasahan ko hindi pa nga sila gising.

Pumasok na ako ng kwarto at ganun pa din ang posisyon nila, naka-yakap si Akane sa paa ni Riye. I chuckled, paano ba naman ang gulo kasi matulog ni Akane. Ayan tuloy napunta siya sa paa ni Riye, "Good Morning! Gising na, a beautiful day is about to happen!"

Nagblink muna ng ilang beses si Akane at tinignan niya kung ano yung niyayakap niya, "Ahhh!" sigaw niya at nahulog si Riye dahil tinulak siya nito. Natawa nalang ako sa nangyari, agad namang sumugod ang boys dito "Anong nangyari-Hahahaha! Akane, bakit ganyan mukha mo?" pang-aasar ni Ken.

Tumayo si Akane at kumuha ng lumang medyas niya na 2 years ng hindi nalalabhan, pinapang-blackmail niya kay Ken yan. "Oh no, not the socks!" in just a swift second, nawala na ang dalawa at naghabulan na sa baba.

"Tss, Kids" banggit ni Hiro at nagsimula ng bumaba, "Hoy, Nathan! Si Ken lang ang kid, huwag mo akong isama!" narinig kong sigaw ni Akane at nakita ko si Ken na sinamantala yung pagkakataon para makaalis sa pagkakasabunot sa kanya nito. "Hoy, Ken! Bumalik ka dito"

"H-huh, anong nangyayari?" tanong ni Riye na naka-upo sa floor with a frustrated face. Lumapit naman si Reiji sa kanya at binuhat ito, bridal style, at sinimulang ikwento kay Riye ang mga nangyayari. Nakakakilig naman.

And all I could say; Project pag-gising kila Riye is a success.

Bumaba na ako para makasali ako sa together breakfast na inihanda ko. Nasa may balkonahe ako at nakikita ko sila sa may garden, doon kasi kami kakain eh. Last day nanaman dito. Pumunta na kaming Yellowstone at White House kahapon, ang ganda nga doon eh. So refreshing kasi may mga gazers at nakakapag-relax ka talaga.

"Oh, Akemi. Kain na!" sabi ni Akane at sumang-ayon naman ang lahat. Kaya umupo na ako sa tabi ni Hiro sa dulo.

Tahimik lang kumakain ang isang ito. When I taught him how to cook Adobo, halos araw-araw niya ng niluto iyon for Mom- erp, I mean Mama niya. Two years na ang nakakalipas pero hindi pa din ako sanay na tawaging Mama niya ang mama niya. Ay, ano daw?

"Stop thinking too much, just eat" narinig kong sabi niya at tumango nalang ako bilang sagot. His voice is still creepy as ever kapag nagcocommand. "Er, Riye. Pa-abot yung pasta please?" tanong ko at ngumiti kay Riye.

Sinuklian naman niya ako ng ngiti, "Oh ito. Nee-san, nakapag-impake ka na ba?" tumango naman ako sa sagot niya at biglang nanahimik si Akane. Binaling namin yung tingin namin sa kanya with matching sama ng tingin.

"What? I forgot!" she scoffed.

'Mag-impake ka na' rinig naming sabi ni Hiro sa mga inner voice namin at bigla siyang nag-peace sign at umakyat na sa girls bedroom. Wala ring manners itong si Hiro ah? Kumakain pa si Akane at may laman pa yung bibig niya tapos papaalisin bigla?

"Tss."

Nakalimutan ko nakakapagbasa pala siya ng isip. Nag-peace sign rin ako sa kanya at isang malutong na irap ang natanggap ko. Huhu, am I going to die?

Pinagpaliban ko muna yung death threat ni Hiro, kung talagang death threat talaga yun, at umakyat ako sa kwarto namin para tulungang mag-impake si Akane. "Oh, Akemi. Nandyan ka pala" Akane stated when she finally saw me at the door. "Nakakatakot si Hiro ano? Parang everytime na kasama mo siya nasa isang malaking hell hole ka"

"And there's no escape" sabi ko at tumango siya means she agreed. Tumabi ako sa kama niya at tinupi yung sangkaterbang damit.

"Bakit ang dami mong damit, Akane? Halos siguro buong bahay namin mapupuno nito" I can't help but to ask. Hindi naman siguro masama kung tanungin iyon at para hindi na rin siya ma-bored kaya gumawa ako ng topic.

"Dressing is like art. And I love art" sabi niya. Well, fair enough. Totoo naman kasi yun noh?

After naming mag-impake ni Akane, bumaba na kaming lahat at nagsimula ng i-hug yung mga furniture ng bahay at yung mismong bahay. Aalis na kasi kami at baka hindi na kami makabalik dito hangga't sa hindi pa namin siya nakikita.

Sinong siya? Ang Seventh agent.

--

Hay, the fresh air of the Philippines. Hindi naman fresh air, kasi polluted na pero anyways. Na-miss ko yung simoy ng hangin and also yung pollution. "Finally home" Riye stated at sumang-ayon naman kami.

"Nasaan si Akane?" tanong ko. Hindi ko pa siya nakikita buhat ng makababa kami ng airplane. Tumingin ako sa kanila and they have no clues rin, where is Akane?

Using my sixth sense, hinanap ko kung nasaan si Akane. Nung nakita ko siya natawa nalang ako. She's struggling, ang dami niya kasing maleta. "Ken, help her. Mauuna na kami kay Miyu" sabi ni Hiro. Tututol pa sana si Ken pero siyempre, Hiro is a mind controlling freak. Just one scary look in the eye, hindi na makakatutol ang inutusan niya.

"Aysh!" Ken scoffed.

Pumunta na siya kay Akane at nagsimula na kaming mag-lakad papunta kay Miyu. After a few minutes, tumulong na rin si Reiji para buhatin yung maleta at itakbo dito. The fastest way.

"Welcome home Masters!"

Na-miss ko si Miyu! "Hi, Miyu!" sabi ko at nag-wave pa.

Biglang may lumitaw na hologram sa tapat ng manibela at nandoon si Sir Hiroshi, Sir Hayate at Ms. Reina. "Oh, hello Atama family" sabi ni Sir Hayate. Binatukan naman siya ni Ms. Reina,"Hindi pa yata tayo nakikita eh!"

"Paano mo naman nasabi?"

Nakatangg din ng batok si Sir Hiroshi, "Hiroshi, tignan mo ang popoker face nila. Hindi man lang masayang makita tayo!"

Tumawa kaming lahat except for Hiro. Syempre, baka pagdiskitahan nanaman siya nila Akane. Ang saya ng nakita naming show, naging close na yang tatlong yan kasi magkasama sila sa paghahanap ng Shinigami Rebels at hindi ko pa alam kung success ang mission nila.

Dumating na rin sila Reiji, Akane at Ken at nakipag-kwentuhan sa mga teachers. Nakuha naman yung atensyon ko when Sir Hayate called me.

"Akemi, may gustong makakita sa iyo" sabi ni Sir at tumingin ako sa may hologram. Ang kaninang nasa harap ko na si Akane at Ken nasa side ko na sila. Nag-give sila ng space para makita ko yung hologram.

And there, the guy. The guy I truly missed.

"Hi Akemi, long time no see"

Darwin...

Seventh Agent (Tantei High)Where stories live. Discover now