"Aga mo, you didn't text me." Sambit ko.
Ibinaba ko ang bag na dala sa sofa. I get my travel bag at the top of my cabinet para maglipat ng ibang gamit.
"Sa'n ka galing?"
"Hangout lang with Annika," Sagot ko. "Magkakilala pala sila ni Oli?"
Kumunot ang noo niya. "You mean Oliver?" I nodded as an answer. "I didn't know may kakilala siyang taga modeling din.." Dagdag niya at itinuloy ang ginagawa. He didn't knew? What's wrong?
We ate what he cooked. Mahilig siya magluto but due to his course and all his requirements, nawawalan na siya ng oras. But atleast in the future, he can be a husband who cooks for his family.
Bumyahe na kami papuntang Bulacan. I chuckled remembering that Dad favored Ade to get me back to Bulacan at nangako rin naman si Ade but where is he now? Huh, pagalitan sana siya.
Saan na kaya punta niya ngayon? Oh, right, he's obviously with Azra still. Mas inuna niya pa yun kesa sa paghatid. Noong hindi ko pa kailangan magpasundo at magpahatid, lagi siyang andyan, ngayon, mas inuuna niya pa yan? Sa bagay she's his girlfriend.
Alex wants to go back home to Bulacan for a while at kung hindi lang yung nangyari, walang takas si Ade. Pasalamat siya nagkataon huh.
"Si Papa po, Ma?" Salubong ko kay Mama ng makarating sa bahay. My grandparents are here halos kumpleto na kami, si Papa wala na naman.
"Farm, as always." Sambit niya. She smiled at me and carressed my hair.
Nasa farm pa rin? Gabi na ah? Is Tita Michelle also there?
There's so many questions I have in my mind. Dapat kapag mga hapon pagabi ay umuuwi na si Papa, nagpapahinga na sana. Eto ba ang lagi niyang routine kapag nasa Manila kami? Farm is hard but he also has other managers that is holding it kaya hindi kailangan oras oras siyang naroon. Anong iba pa niyang ginagawa don?
I changed clothes in my room at nagpasyang tumambay muna sa sala. 'Di ko 'to dapat kalimutan, isusumbong ko pa si Ade kay Papa. Lagot ka sa akin.
I checked on my phone para tignan kung kahit paalam ba nagiwan siya. Kunot na ang noo ko habang nag-iisip. He didn't care that today I was going back to Bulacan, ibig sabihin alam niyang si Alex ang kasama ko pag-uwi hindi niya manlang ako ininform? I messed my hair thinking that, atleast inform me!
"Leizel, nakauwi ka na?" Sambit ni Papa pagkadating. He's with Tito Lolo. Napaisip ako, is he finally going to transfer it to Tito? Kahit papano, ayos pa ako don. Sana ganoon na lang.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at yumakap ng makalapit sa kanya. Nagbless din ako. I hope he noticed that the car isn't outside and that Ade didn't get me back here.
"Where's Ade?" Luminga linga siya kahit sa labas, hinahanap.
I smirked. Lagot ka ngayon Samuele Aidric.
"Oh, nandito si Alex," Puna niya ng lumapit si Alex para magmano.
"Busy siguro sa Manila, Papa." Ang tanging sinabi ko at umupo pabalik sa sofa.
"Oh... Okay, mabuti na lang umuwi rin si Alex. Ade can have his own time there." Sambit niya. Napalingon ako pabalik sa kanya?
YOU ARE READING
Red Strings
General Fiction1/2 of FATE DUOLOGY Leizel Arabella Fabellar grew up as a passionate girl from the City of Batangas, her father owns a land property in Bulacan supposedly will manage by her soon but she decided to pursue Modeling. Meanwhile, Samuele Aidric Puerto...
