SIMULA

46 3 0
                                        


00

It is quite cloudy in the afternoon, papasok na ako sa last class ko. For some reasons, I find this uncomfortable and creepy lalo't tahimik rin sa mga hallway ng aming building. Kahit naman lahat ay may mga klase, hindi ganito katahimik on normal days... This day seems weird, parang pinaparating ng langit na malungkot siya. Bigla akong nanghina, parang nawalan ng gana na tumuloy sa susunod na klase ko.

"Lei!"

Halos mapatalon ako sa tawag na iyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot na naramdaman o muling mabuhay at nagulat mula sa panghihina ko.

"Nauna ka na pala rito, hinahanap ka pa namin eh." Wika ng isa sa mga malapit kong kaibigan, si Crizelle. Kasama niya rin ang iba. Usapan kasi naming sabay kami pumasok ngunit mas nauna nalang ako, ang init at ayoko naghihintay!

"Pasensya na, nauna na 'ko kanina eh. Sa susunod na lang ulit, Sorry." Sabay ngiti ko. "Tara pasok na tayo." Anyaya ko. Pakiramdam ko anumang oras mahihimatay na ako o ano. Nanghihina pa rin talaga ako at medyo sumasakit na ang ulo, I want to go home already.

Pagpasok namin ay wala pa ang teacher samantalang naghaharutan ang mga kaklase namin.

"Lei, May pupuntahan ka ba mamaya? Pasyal tayo, dun sa may palaisdahan lang!" Si Topher. I consider him as one of my friends pero sa pagkakaalam ko ay umamin siya noon na may gusto siya saakin. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon nanliligaw pa rin siya. Hindi ko alam, hindi naman ako interesado.

"Naku, Tope! Saan mo naman dadalhin ngayon si Lei?" Sabat ni Crizelle.

"Saan ba 'yon, Topher? Hindi kasi ako maalam dito. Hindi naman ako madalas lumabas. Sorry..." Tanong ko na may kuryosidad. Mula ng bumalik kami dito pansamantala sa Batangas, hindi naman ako maliksi tulad ng mga kapitbahay namin. Kahit dito ako lumaki sa Batangas, hindi ako pala-labas na bata noon. Pabalik-balik din kami sa Bulacan dahil kay Papa kaya hindi rin ako nakakalibot dito at pakiramdam ko rin ayaw nila akong makalaro dahil tingin nila ay mayaman.

"Ayos lang, Leizel. Pwede naman tayong sabay pumunta roon mamaya kung papayag kang sumama." He said. He understood that, Topher always had.

"Hindi ba tayo maliligaw?" Tanong ko.

"Hindi ah! Madalas ang lola ko dun kaya sanay ako papunta roon!" Sagot niya namang puno ng positibo at masigla.

"Okay."

Yun lang ang tangi kong nasabi habang nag iisip kung tatanungin ko na ba siya tungkol sa panliligaw niya.

"Uh... Topher?"

"Bakit?" Napalingon siya.

"May itatanong lang sana." Tumango naman siya. "Nanliligaw ka pa rin ba?"

Halos matigilan siya sa tanong ko parang gulat at hindi makapaniwala na hindi ako inform sa mga kinikilos niya.

"Oo naman. Bakit mo naman bigla naisip yan, binabasted mo na ba ako?" He chuckled.

Nagulat naman ako roon. I didn't mean to offend him.

"Hindi... Hindi ah! Naisip ko lang. Uh... Sige, sasama ako mamaya, hintayin niyo ako sa may karinderya dyan ah?"

Tila pumalakpak naman ang mga mata nya. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong ipagpaalam kay Mama, mag lilibot lang naman ako. 'Wag na lang siguro.

Natapos na ang klase at nag silabasan na nga kami. Mas nauna pa sila topher dahil bilin ko dadaan pa ko ng library para may ibalik na libro. Ngayon kasi ang deadline, kung hindi ko ibabalik may penalty pang babayaran. Sabay na sana kung wala akong ibang dadaanan pero saglit lang naman 'to.

Red StringsМесто, где живут истории. Откройте их для себя