"M-Ma?... MA!"- agad na lumapit si George sa Mama nya, nakataklob na ito ng kumot pero tinanggal nya. Agad nya itong niyakap ng sobrang higpit habang umiiyak.

"M-Maaaaa! Bakit ka sumuko agad?!" Maaa!!!"

Umupo ako at niyakap si Joji, s-sobrang bigat sa dibdib. B-Bakit kailangan mawala ang mga mahal natin sa buhay? B-Bakit?!

_________________________________

Chineck ko ang oras 10pm na, nananatiling nandito lang ako sa upuan at pinatulog muna si Joji habang inaasikaso ni George ang Mama nila.

Maya-maya dumating na si George, napatayo agad ako at lumapit sa kanya.

"G-George."

Tulala lang siya habang tumingin sa akin ng marahan, kasabay nun ang pag-tulo ulit ng mga luha niya.

"G-Garnett... si M-Mama.... wala na siya."

Tumulo agad ang mga luha ko, niyakap ko siya agad ng mahigpit.

"H-Hindi ko kaya......h-hindi ko kaya....."- he whispered while crying

Ang bigat sa pakiramdam, sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni George.

"N-Nandito lang ako , hindi kita iiwan."- marahan kong sabi sa kanya.

Pagkatapos nun, pinilit nya akong umuwi kahit ayoko. A-Ayoko kasi siyang iwan lalo na't alam kong balang araw masasaktan ko rin siya. P-Paano ko masasabi sa kanya ngayon ang tungkol sa aming dalawa ni Raven? A-Ang hirap .. h-hindi ko kaya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pag-uwi ko sa bahay, napahinto ako nang makita ko si Hazel na nakaupo sa sofa at iyak ng iyak. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya, kahit hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit siya umiiyak .. tumutulo narin ang mga luha ko.

"A-Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Nakayuko lang sya, pinunasan nya ang mukha nya.

"S-She's pregnant .. Cristina is pregnant."- she's crying

Nagulat ako sa sinabi niya.

"M-Mahal na mahal ko si Jerome..... sobrang sakit, s-sobrang sakit dahil heto yung sign na hindi talaga kami ang para sa isat-isa.........s-sobrang sakit Garnett, parang dinudurog yung puso ko........h-hindi ko na alam ang gagawin ko........"

Niyakap ko siya ng mahigpit.

We both crying ..

"Ssshhhh tahan na, s-siguro nga hindi talaga siya ang para sa'yo...... m-maraming lalaki diyan.......may makikilala ka pa......."

Naiintindihan ko ang nararamdaman nya ngayon, bilang kaibigan nasasaktan din ako.

"B-Bakit kayo lang ang magkayakap?"

Napatingin ako sa harap namin, si Elisha at Ami umiiyak. Napangiti naman ako at mas lalong naiyak.

"G-Garnett... H-Hazel..."- Ami's crying

Lumapit sila sa amin at agad kaming nag-yakapang apat.

"Hazel narinig namin ang lahat kanina, nasasaktan rin kami dahil sa sitwasyon mo.....a-alam naming nasasaktan ka ngayon ng sobra.....s-sorry dahil jinudge namin kayo ni Garnett.....s-sorry."- Elisha said

"H-Huwag na tayong mag-aaway ha, tayo-tayo nalang ang magkakampi dito."- i said

Wala kaming ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. At dahil rin doon nagkaayos na ulit kaming apat.




Love GeniusWhere stories live. Discover now