Chapter 11: Flash

968 53 0
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧
=================}•>♥<•{==================

Jian's P.O.V

Hindi masyadong nagtagal ang kuwentuhan namin ni Mon Mon dahil sa mga on going na projects namin sa ibang subjects though panaka-naka kaming nag-uusap kapag minsan.

Papunta na ako sa susunod na klase ko ng makasalubong ko si sir, may kasama siyang bakla na, i think transgender.

"Ay anak! Siya nga pala yung sinasabi ko sa'yo na handler mo." Salubong sa akin nito.

"Sir, hindi na ba talaga puwedeng bawiin?"

"Nakalista ka na at na-finalized na 'yun. Anyways, pag-usapan niyo muna ang kailangang pag-usapan, ako na bahala sa subject teachers mo. Then after, pupunta kayo ng school gym para sa orientation at practice ng production." Paliwanag ni sir.

"Halla sir! Agad agad?"

"Oo anak, kasi nai-move yung date ng foundation day due to numerous activities." Tumango lang ako sa kaniya saka kami iniwan ng aking trainor. Pakiramdam ko pressured ako ngayon.

"Marcel and name ko, sis. May experience ka na ba sa pageant?" Tanong nito.

"Wala pa po eh, actually wala talagang ibang magre-represent ng section nami kaya no choice."

"Gusto ko maging komportable ka sa akin para naman mas mapadali ang practice natin okay?"l

Napag-isipan naming dumiretso na sa school gym para maghintay sa gagawing orientation at practice, nagku-kwentuhan lang kami about sa mga sarili namin minsan tungkol sa pageant.

Nang makarating kami dun ay meron na palang mga tao, pati mga magiging kalaban ko sa pageant. Ang tataray nung iba mukhang palaban talaga sila.

Lumapit kami sa kinaroroonan nila para umupo.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mag-tuturo sa amin ng production, sinenyasan niya kami para lumapit.

Pinaliwanag niya ang mga gagawin namin, mga damit na irarampa at mga schedule ng practice namin. So toaday ay half day lang muna then sa mga susunod ay whole day na.

And guys...may swimsuit

Argh! Ayoko! Hmm.

Bakit kasi ako pa, eh hindi nga ako confident sa mukha at katawan ko eh, kainis naman oh!

Samantalang itong mga kasama ko ay parang excited pa sila.

Tinuruan na niya kami ng basic steps at konting choreography sa production, okay lang naman sa akin kasi mahilig din naman ako sumayaw.

Medyo nakaramdam na kami ng pagod kaya nagpahinga muna kami.

"Okay! Bukas ay magdala na kayo ng heels niyo para masanay at ma-practice niyo ang mga walk niyo, okay?"

Medyo nagkaroon ako ng reaction sa heels, never pa akong nakasuot ng heels. Hindi ko maiwasang isipin na baka matapilok ako habang naglalakad.

Matapos ang pahinga namin ay pinabalik kami para sa tatlong round ng mga basic steps na tinuro kanina.

-----

Nagpaalam si Marcel dahil kailangan niyang kunin yung mga gagamitin ko at mai-reserve ito.

Kinakatikot ko ang aking cellphone nang may mabangga ako, muntik pang mahulog cellphone ko.

"Ay sorry po."

"Hey babe!" Bago pa ako maka-react ay bigla ako nito hinalikan, nakarinig na lang ng mga babae na parang kinikilig.

In The Hands Of A Playboy[BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon