Tinitigan ko lang siya.
Tumuwid siya ng upo nang maramdamang hindi ako nasiyahan sa sinabi niya.
Lumingon siya pabalik sa mga bituwin. "I'm only 16."
"Okay." sagot ko at tumingala din.
"Okay?"
"Okay."
Nilingon nanaman niya ako. "Okay lang?"
"Ano po ba dapat?"
Bumuntong hininga siya. "Stop with the po."
"You are a year older."
"I am only a year older." he said emphasizing the third word.
"Hindi ako komportable."
"Pero doon ako komportable."
"Pero hindi nga ako komportable."
"Tinanong ko?"
Nagulat yata siya sa sinabi ko kasi hindi siya agad nakasagot.
Hindi naman ako ganito kataray on a daily basis, tinatamad lang akong buhayin sarili ko para makipag-usap.
Nagtitigan kami bago siya tumawa. Mas bagay sa kaniya ang nakangiti.
Tinaasan ko lang ng kilay. I waited for him to stop.
Goodness. Sana nanatili nalang ako sa bahay.
"Hindi ka talaga papatalo ano?" sabi niya habang nakalingon sa akin ngunit hindi ko siya sinagot.
Ngayon ko lang naman siya naka-usap.
"Sirius Aerglo."
YOU ARE READING
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Start from the beginning
