Kinapa ng daliri ko ang kahoy sa tabi lang ng bandang inuupuan ko.
Napangiti ako ng maramdaman ko ang inukit ko doon ilang taon na ang nakalipas. Buhay parin pala.
Hindi na ako nag-abalang lingunin pa iyon.
Nakatingala parin ako ng may naramdaman akong presensya sa tabi ko.
Lumingon ako sa kanan at nagulat sa lalaki sa tabi ko.
Balak ko sanang tanungin kung anong kailangan kaso napatigil ako sa bigat ng emosyon sa mata niya.
Matangos ang ilong. Makakapal ang mga kilay na bagay na bagay sa medyo singkit na mga mata niya.
Gwapo.
Titig na titig ako sa mga mata niya kahit noong lingunin niya ako.
Pakiramdam ko may gusto siya sabihin, hindi niya lang masabi. Ito yata iyong ibig sabihin ni Dad sa nakikita niya sa akin tuwing sinasabi niyang may pumipigil sa akin.
Napabaling ako sa labi niya pagkatapos niya itong kagatin.
Ano kaya lip balm niya?
Napabalikwas ako ng kaunti sa pagtikhim niya kaya napatingin ako pabalik sa mga mata niya.
"Nakaka-istorbo ba ako?" tanong niya sa malalim na boses.
"Medyo... po." pag-amin ko.
I wanted to be alone, obviously. Hindi ko gustong makipaglandian, at mas lalong hindi ko gustong makaramdam ng mabigat na damdamin tulad ng nararamdaman ko mula sa kaniya ngayon.
"Po?" tanong niya na may halong pagdududa.
"Po?" tanong ko pabalik.
"Potlong." he said chuckling a bit.
Kahit tawa niya ang gwapo pakinggan. Sayang, corny.
YOU ARE READING
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Start from the beginning
