"Thank you Da-daddy." sabi ko habang humihikbi.


"Shh. You are always welcome Eche."


Lumipas ang matagal na katahimikan sa amin bago niya iyon basagin.


"How about being a chef?"


Bumitaw ako at binato ang hair brush sa kaniya.


"Naman ih!"


"Just kidding! HAHAHA."


Tumayo na siya't inalalayan ako.


"Rest. Ako na bahala mag-explain sa Mom mo. Good night Eche."


He kissed my forehead before walking towards the door.


Noong akala kong isasara na niya ang pinto ay lumingon siya sa direksyon ko.


"Welcome home." he then closed the door.


Indeed, I am home.


Nakahiga na ko't lahat-lahat pero hindi parin ako makatulog. The long flight should've made me tired. Sinilip ko ang orasan at nakitang alas-otso ng gabi na.


Well, I won't do anything for tomorrow so I decided to go out. I wore my black hoodie that goes below the end of my shorts and grabbed my phone.


Mahihina ang mga hakbang kong lumabas ng bahay gamit ang back door.


I wore the hood as I went out of the gate going to the park still inside the subdivision.


Bago pa man ako manatili ng tatlong buwan sa London ay naging tambayan ko ang park dito. 

Kadalasang tatakas ako para pumunta dito para lang magpakasasa ang mga mata ko sa mga bituwin.


Nang maupo ako sa paborito kong bench na gawa sa kahoy ay sinandal ko ang aking likod at inunat ang mga paa't kamay.


"I miss this." bulong ko at tumingala.


Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang sandamakmak na bituwin.

UNIVERSUM: Array of UsWhere stories live. Discover now