Napadilat ako at saktong napatitig kay Dad mula sa salamin.
Ngumiti ako. "Feeler ka kasi. Bagay kayo ni Mama."
Diniin niya iyong paghatak pababa ng hair brush na nakakapit pa sa buhok ko kaya napa-igik ako.
"Talaga ba ha? Talaga ba?" biro ni Dad at kiniliti ang tagiliran ko.
"Ayaw na! Awat na!"
Ang pagkahulog ko sa upuan ay kanyang pagtigil sa pagkiliti sa akin pero patuloy parin ang pagtawa niya.
Umupo ako sa sahig ng nakakunot ang noo habang minamasahe ang braso kong napwersa sa pagbagsak ko.
"Ikaw kasi ih."
Aba, ang kapal. Sinisi ako?
Lumuhod si Dad habang tumatawa parin para makapantay ako ng kaunti at hinawakan ang magkabilang pisngi ko tsaka pinanggigilan.
"Estelle ko talaga. Malaki na. Sumasagot na." biro niya.
"Kahish dashi nomon ih." saad ko pabalik.
Pareho kaming natawa sa pagkakapisil niya sa magkabilang pisngi ko ngunit natigil rin ng bumuntong hininga siya.
"Make me understand the decisions you will make." mahinahong sabi niya.
"Dad." mahinang sabi ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko para maialis ang luha ko. Hindi ko nga naramdamang umiiyak na pala ako.
"I'll suport you Estelle."
Mahina akong napa-iling ngunit hindi na niya iyon kinuwestyon.
Napayakap ako sakanya kaya muntikan pa siyang mawala sa balanse kung hindi lang niya itinukod ang kamay niya sa likod niya.
Hinaplos niya ang isa niya pang kamay sa ulo ko.
ESTÁS LEYENDO
UNIVERSUM: Array of Us
Ficción GeneralSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Comenzar desde el principio
