Goodness. Sumakit na nga ulo ko kaka-irap. Kasalanan ito ni Papa. Dumadagdag pa ang jet lag at maingay na living room.
Tumabi sa akin si Mom sa pagkakatayo.
"Ang laki laki mo na ah!" sabi ulit ni Tita sabay beso sa akin.
"Kay gandang bata naman oh." ani ng isa.
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kamusta ang London?"
"London parin po." siniko ako ni Mom kaya napa-igik ako habang tumatawa sila Tita.
"Kamusta naman si Tito Tim?" they are referring to Lolo.
"He is doing okay. Of course, hindi ko naman maiuuwi si Estelle kung hindi pa okay si Dad pero inuwi ko na ang nag-iisang apo niyang babae."
He is doing okay, alright. May bago na eh. After Lola died 3 months ago, nagpa-iwan ako sa London para may kasama siya as per his request. Sabi nila Mom, baka na rin siguro dahil replica ako ni Lola.
I have no problem with that. Close ako sa kanila ni Lola. Every christmas was spent with them in London.
Nalungkot lang ako na umalis ako ng London na may bago si Lolo. There were days he told me na kasama niya daw friends niya lumabas para magpalipas oras sa library eventhough we have one sa mansion niya.
Iyon, umariba. May nakilala.
"Ano ka na nga ulit sa pasukan Estelle?"
Gusto ko sanang barahin si Tita sa pagsagot sa kaniya ng estudyante parin ako sa pasukan kaso baka kurutin na naman ako ni Mom.
I smiled before answering. "Fourth year high school po Tita."
Umakto siyang parang nalinawan.
"May boyfriend ka na?"
"Any plans for college?"
Natameme ako sa sabay na tanong ng magka-iba kong Tita.
YOU ARE READING
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Start from the beginning
