Dali-dali akong umupo sa back seat at kalaunan ay sumakay na din sila.


I was looking outside the window behind the driver's seat yet I can still see them trying to communicate with their eyes on my peripheral vision.


Hinintay ko lang na isali ako sa usapan hanggang sa tumikhim si Mom.


"So ano na nga program mo Estelle?"


Pang-ilang beses na ito. Nauumay na ako. Pakiramdam ko kumulo na naman dugo ko kaya napa-irap ako.


"Anak, kanina ka pa umiirap, sumasakit ulo ko para sa iyo." biro ni Dad.


"I'm not sure yet Mom. Pang-ilang tanong na po ah." sabi ko sa mahinang boses.


Lie. 'Di bale ng hindi ako sigurado sa ibang bagay, basta sigurado ako sa tatahakin kong career.


"Estelle, fourth year high school ka na sa pasukan. Kailan ka magiging sigurado? Kapag mismong enrollment na?"


"At bakit hindi?"


Napalingon agad siya sa'kin sa sinagot ko and before she could even lash out on me, Dad interrupted.


"How about culinary?"


"Dad, you know I can't cook."


"It is a skill Estelle. Natututunan naman ang pagluluto."


"Hindi nga ako magaling magluto."


Iba naman ang magaling talaga sa marunong lang.


Pinakamagaling na pagluluto ko yata ay iyong games sa phone ko.


"How about something related to business then?" Mom interjected.


Bumuntong hininga ako bago binalik ang tingin sa bintana. "Ayaw po."


"Ano ba kasi gusto mo?" tanong ulit ni Mom na parang sumusuko na, may pagkumpas pa ng kamay.


UNIVERSUM: Array of UsWhere stories live. Discover now