I can't say no, not that they don't give me an option, sadyang masunurin lang ako at takot akong magkamali sa sariling desisyon ko, kaya na din siguro gulat sila noong humindi ako sa mga
plano nila para sa akin for college.
Sinilip ko ang oras sa phone ko bago ko iangat muli ang paningin ko sa nilalakaran ko. Nang makita kong may ilang minuto pa ako bago magsimula ang klase ay dinaanan ko ang locker ko habang tumatanaw sa mga pintong dinadaanan upang masuri kung iyon ba ng silid-aralan ko.
Naramdaman ko ang mga tingin ng mga tao sa hallway. I don't know if there is something on me that looks weird, but I don't feel uncomfortable dahil nakasanayan ko naman sa previous school ko. I know I'm pretty, pero marami din naman akong nakikitang maganda dito sa paaralang ito.
Nag-iwan ako ng ilang libro at sinara agad ang locker ko, tsaka ko pinagpatuloy ang paghahanap sa tamang pinto. Muli kong nilabas ang phone mula sa aking bulsa at pinatay muna ito upang hindi lumikha ng ingay mamaya sa klase.
"Luh bad trip tangina."
Napabalik ang tingin ko sa hallway ng marinig ko iyon. Maliban sa malutong niyang pagmumura ay napansin ko ding pamilyar ang boses niya.
Nakita ko pang agresibo niyang pinindot-pindot ang phone sa kamay niya bago ito isinilid sa bulsa niya at pagalit na hinawakan ang isang strap ng back pack niya.
Nang magkatinginan kami ay natigilan pa siya. Lihim akong napatawa dahil kailan lamang ay nakita kong malungkot ang mga mata niya, ngayon naman ay may halong pagka-irita.
Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng gulat, katulad noong unang pagkikita namin ay namumula ang pisngi niya. Ang pinagka-iba lamang ay mas tanaw ko na dahil sa liwanag ngayon. Hindi ko alam kung dala ng galit kanina o ng kaputian niya. Hindi naman mainit sa hallway.
Pinasalamatan ko ang liwanag sa kinalulugaran namin dahil mas malinaw sa paningin ko ngayon ang mga mata niyang umaagaw ng atensyon.
"I-ikaw. " nauutal kong saad. Nananadya yata ang Panginoon na magkita kami dito, sa dinami-dami ng paaralan sa Maynila. Hindi na din ako lumabas ng bahay noong matapos ang unang pagkikita namin kaya nama'y nagulat talaga ako na nandito siya sa harap ko, ilang hakbang lang ang layo.
"Ako diba?" parang batang nawawalang tanong niya habang bakas pa din ang gulat sa mukha.
Napangiti ako at unti-unti din siyang ngumiti na naging tawanan na naming dalawa.
Humakbang siya palapit sa akin habang ang isang kamay ay nakabulsa sa kanyang pantalon. Pareho kaming nagulat ng matapilok siya.
"Ay nahulog-" gulat kong saad patungkol sa candy na nahulog mula sa bulsa niya.
Habang siya'y nakatuwid na ulit ng tayo ay pinulot niya ang candy na nahulog at inabot ito sa akin habang may ngiti sa mukha.
"Sa'yo." he then chuckled.
Huminga siyang malalim at ibinulsa ang isang kamay habang ang isa ay nakalahad parin sa harap ko, hawak ang candy.
"Una mukha pa, amputa."
Have a great day!
BINABASA MO ANG
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa
