Lihim siyang napangiti pero nakita kong kinagat niya ang labi niya para pigilan iyon.
"Fine, mahal na ulit kita."
Ang rupok bad trip.
Nakita kong napalingon sa amin ang mga dumadaang estudyante na may mapanghusgang tingin.
"Pinagkakamalan yata tayong Lesbian mumsh." bulong ko kay Amy.
"Pake ko?" pabalang niyang sagot.
Sabay kaming napatawa dahil sanay na naman kami sa senaryong ganoon. Pareho kaming only child kaya clingy kami sa isa't-isa. I met her sa isa sa mga business meeting nila Mom way back, and eventhough magka-iba kami ng school, we still keep in touch. We spend vacations together. Parehong-pareho kami ng ugali, buti nalang hindi kami nag-aaway ng dahil doon.
Ngayong iisa na kami ng paaralan sa huling taon ng high school ay pakiramdam kong mas magkakasawaan kami sa mukha namin. We have the same height yet unlike my long wavy hair, hers ends just above her shoulders at bagsak iyon. She is more tanned than I am noon pa man. Pareho naman kaming masipag mag-aral, mas masipag nga lang siyang magbasa, patunay na ang mga librong bitbit niya.
"Lakad tayo ng lakad baka winawala mo ako." saad ko ng mapansin kong kanina pa kami naglalakad.
"I'll make hatid you to the faculty muna then mauuna na ako sa klase. Students here are harmless, no worries."
Gusto ko pa sanang magreklamo sa ka-conyohan niya ngunit naalala kong ganoon din pala ako.
"You can now proceed to your class Ms. Rodriguez. Happy learning!" she then offered her hand and I accepted it with a smile on my face. Mukhang fresh graduate si Ma'am, sana lahat ng guro ko dito masiyahin gaya niya.
Isinara ko ang pinto at bumuntong hininga.
Hindi ko naman ginustong lumipat ng school, lalo na sa huling taon ng high school. Nakakapagod mag-adjust, okay. Bago na naman ang lahat sa paningin ko, ultimo comfort room, pero kailan ako masasanay kung hindi ngayon?
I always hesitate on a lot of things, that is why when it comes to decision making, I always follow my parents' advice. Noong sinabi nila Mom na lumipat ako ng school kahit maganda naman record ko sa previous school, at takot akong magbago muli ang iniikutan kong mundo, umoo nalang ako.
YOU ARE READING
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Start from the beginning
