Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Have a good night." saad ko.
Tumalikod na at naglakad pabalik sa bahay.
May narinig pa akong sinabi niya ngunit hindi ko na pinansin.
"Estelle Vegaaa!" Amy shrieked.
She ran towards me holding tons of books after I closed the car's door.
Nang mapunta siya sa harap ko, kasabay ng pag-alis ng sasakyan, ay inabot niya palapit ang mga librong bitbit niya.
"Saglit pahawak oh."
"Demanding, the fuck." bulong ko pagkatapos ko siyang irapan. Alam kong narinig niya ngunit hindi nalang pinagtuonan ng pansin. Inipit niya ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko at pinisil ang aking mga pisngi.
"Oh my goodness! Buhay pa ang Estelle Vega kooo. Aguyy." she said using her baby voice.
"Hay, Vega. Ang veve ko talagang gaga andito na."
Ihinampas ko ang isang libro sa mukha niya. Napatili siya doon pero hindi nito ikinatigil ang pagtawa niya. Inabot ko sa kaniya ang mga librong hawak ko at tinanggap din naman niya iyon. Isinukbit niya ang kaniyang kanang braso sa kaliwang braso ko at hinatak ako bilang hudyat ng paglalakad namin papasok ng campus.
"I missed you so so so so sooo much Eche. I was so lonely this summer! Ugh. Can you imagine? I went to Maldives alone! Estelle I was alone! And like sila Mom and Dad they were always wala kasi together sila magroam around doon so I was mag-isa lang!"
Iwinaksi ko ang pagkakakapit niya sa braso ko.
"Kapit na kapit, my goodness. Calm down. Sumasakit na naman ulo ko sa way of speaking mo. Masasaktan kita, kumapit ka pa sige."
Napatuwid siya ng tayo at pinagkrus ang mga braso bago umirap sa akin. "As if you're not."
Lihim akong napatawa dahil alam kong nagtatampo na siya. Kaya naman ako naman ang kumapit sa kaniya.
"I bought the books you wanted, with your favorite perfume." lambing ko.
YOU ARE READING
UNIVERSUM: Array of Us
General FictionSirius Aerglo Escuela Estelle Vega Rodriguez "Trying to stay on the stage where a token is still midst the air as it is tossed, terrified of the outcome since I know, once it lands, two worlds of possibilities split apart." "And so?" "You might not...
Chapter 1
Start from the beginning
