Inabot niya sa akin ang kamay niya.


Hindi ko tinanggap ang kamay niya at piniling titigan ang mga mata niya.


"Bakit ang lungkot ng mga mata mo kanina?" tanong ko.


I mean, I know I'm not in the mood right now pero nakakabahala parin naman na alam mong malungkot 'yung tao tapos wala kang gagawin.


"My hands are clean, swear." pagbabalewala niya sa tanong ko.


"I don't cuss. Answer my question. Bakit malungkot mga mata mo kanina?"


"Kasi hindi mo sinasabi pangalan mo."


Napatigil ako.


"So?"


Kinuha ko ang nakalahad na kamay niya.


"Estelle."


"Estelle?"


"Estelle Vega."


"Estelle Vega." bigkas niyang muli sa mabagal na pamamaraan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko inaakalang may mas igaganda pa pala ang tunog ng pangalan ko.


No Estelle, aminado ka lang na gwapo siya kaya ganiyan reaksyon mo.


"Bitaw." saad ko ng mapansin kong parang wala siya balak bumitaw.


"Bitaw?" pag-uulit niya.


"Kamay ko."


Hindi ko na napigilang magtaray dahil pakiramdam ko niloloko lang naman niya ako.


Binitawan niya nga ang kamay ko pero nakatitig parin.


Kanina pa siya ngiting-ngiti. Parang kanina lang ang lungkot ng mga mata niya.


"Shit!" medyo napatalon ako sa naramdaman kong basa sa kaliwang binti ko.

UNIVERSUM: Array of UsWhere stories live. Discover now