Nang namatay ang anak namin, hindi ko naman sinadyang ipagtabuyan siya. Nadala lang ako sa galit para sa kanya at sa sarili ko pero nagawa niya akong iwan sa ere nang hindi man lang nagpaalam. Matapos nun, hindi man lang ito nag reach out sa akin. Sinubukan ko siyang kontakin pero kahit ang mga magulang niya ay hindi siya magawang makausap. Ginawa ko ang makakaya ko para lang makausap siya pero sabi ng Dad niya ay palagi daw itong abala sa trabaho nila sa Korea. Mukhang umiiwas nga sa akin.

Nung time na yun tanggap ko na wala na siyang pakialam sa akin. Kung sabagay kasalanan ko naman eh. Pero sana man lang nagsabi siya hindi yung ganito na umasa ako sa wala.
Tapos ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Kung magbabalikan man kami, hindi na iyon katulad ng dati. Mahihirapan na akong pakikitunguhan siya ng maayos. Ganun din sa kanya, baka mahirapan lang din siya. Anong saysay pa ng kasal namin kung ganyan ang set up? Mas mabuti nang pakawalan niya na ako ng tuluyan para hindi na maging komplikado ang lahat.

"Sharlene! Kamusta ka na? Hindi kana dumadalaw sa bahay." Tita...I mean Mommy Maricel greeted me. She gave me a hug.

"Pasensya na po. Abala kasi palagi sa clinic, Mom." I answered.

"Hay! Pareho talaga kayo ni Donato. Pareho kayong busy. And speaking of, nakauwi na siya nung nakaraan. Nagkita na ba kayo?" maingat na pagtatanong niya.

"O-Opo." may pag-alinlangang sagot ko. Hindi rin nila alam na may lamat na ang relasyon namin ni Donato. They didn't even know that we are in a verge of annulment. Sa pagkakaalam nila ay may misunderstanding lang kami kaya naisipan namin na bumukod muna panandalian.

A visible sadness was written on her face.
"Anak, kailan kayo magkakabati ni Donato? I know you both miss each other."

"I don't know po Tita. P-pero okay na kami s-siguro. Hindi pa kasi kami nag-uusap ng maayos." maybe I should tell them once he signed the papers.

"Please pag-usapan niyo." she hopefully asked. Ayoko muna silang biglain ngayon. It's not the right time.

Bahagya akong nagulat nang may umakbay sa akin. Amoy pa lang niya ay alam ko na kung sino.

"Don't worry, Mom. We will be alright. We will talk about us later, right Love?" he looked at me while he's smiling.

"Ikaw naman kasi hindi ka nagpaparamdam sa kanya. She's been looking for you. Halos magwala na iyan sa---" before she could say anything that will embarrass me, I cut her off.

"Mom, pwede bang hiramin ko muna saglit si Donato?" I asked.

"Of course. He is all yours anyway." she answered. Nag excuse kami at hinila ko siya palayo. I saw my parents and his. Sinusundan nila kami ng tingin kaya dinala ko siya sa tagong lugar kung saan walang masyadong tao.

Hindi ko namamalayang kanina ko pa hinahawakan ang kamay niya. Kaya pala malapad ang ngisi ng gago. Binitawan ko siya agad nang marealize ko ito.
"May plano ka bang sabihin sa kanila ang relasyon namin ni Nash?" mataray na tanong ko.

"Bakit ko naman gagawin yun?" cool na sabi niya.

I sighed in relief. Buti nalang talaga. Nagulat ako nang bigla nyang hapitin ang bewang ko papalapit sa kanya.

"Let's pretend that we are okay even just in a front of them." sabi niya. Yan din sana ang sasabihin ko sa kanya.

"Sige." mabilis na pagpayag ko.

"At uuwi kana sa bahay. Tatawagan ko si Yaya Pasing para kunin ang lahat ng gamit mo sa condo." sabi niya.

"What? You can't do that! Hindi na ako uuwi sa bahay MO!" pagmamatigas ko. Ang kapal ng mukha niyang magdesisyon para sa akin.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now