PROLOGUE

13 5 3
                                    

Prologue


Nakadungaw ako sa bintana nitong kwarto ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Tanaw ko mula dito sa loob ng kwarto ang mga sasakyang inabutan ng traffic sa Emperial.


"Madame, pinatawag po kayo ng daddy't mommy n'yo." Galit kong nilingon ang katulong namin.


"Pwede ba, wag kang pumasok basta basta dito sa kwarto ko!"


"Madame, bukas naman po ang pinto ng kwarto n'yo. Kaya hindi na po ako kumatok." Pagkarinig ko ng sagot ng katulong ay biglang nag init ang ulo ko na para bang lahat ng dugo ko sa katawan ay tumaas papuntang ulo.


"Wag mo akong sagutin ng ganyan!!! Mag impake ka na't umalis dito sa mansyon!" Galit na sigaw ko.


"Pasensya na po madame, pero kakailangan ko po ng trabaho para pangbayad ng bill sa hospital." Nakayukong sagot ng katulong.


"Wala akong pakialam sa bill na 'yan!" Pumunta ako sa gawi ng katulong at kinaladkad s'ya palabas ng kwarto.


"Zeptah! What's happening here?" Nabitawan ko ang katulong ng biglang sumulpot si mommy at daddy sa harap ko.

"None," simple kong sagot sabay irap.


"Manang Lita answer my question?" Ma-awtoridad na tanong ni mommy sa katulong.


"Ah, wla po---



" pinalayas ko s'ya sa mansyon!" Dismayadong bumaling sa'kin si mommy't daddy na para bang hindi nila nagustuhan ang pagputol ko sa sagot ng katulong.


"Zeptah, daughter, wag mong ganyanin ang mga katulong dito sa mansyon kung kaya't hindi ikaw ang nagpasahod sa kanila." Mahinahong sagot ni Dad.



I rolled my eyes twice bago sumagot."Stop calling me daughter, will you?" Napailing iling nalang si dad sa sagot ko.



"Manang wag mong intindihin ang batang 'to, back to work na."
Nakangiting sabat ni mom.



"Thank you maam." Masayang sagot ng katulong saka tumalikod na.



Bumaling sa akin si mommy."Zeptah, sumunod ka sa amin sa living room, may dapat tayong pag usapan." Hindi ko na sila sinagot at muling bumalik sa kwarto.



Pumunta ako sa closet at pumili ng damit na susuotin para sa party mamaya. We having a reunion later ng mga ka batch ko nung highschool sa sikat nA resort. Kaya gusto kong kaaya-aya ang suot ko. Pagkatapos kong mamili ay bumaba ako ng living room para alamin kung anong dapat na pag-usapan ng parents ko.



"Amazing! Kompleto lahat ng meyembrong Del-Vallaire, mukhang importante nga ang pag uusapan?" Sarcastic kong tanong ng makababa na ako ng living room.



Napukaw ang atensyon nilang lahat sa biglaang pag sulpot ko.



"Zeptah, ako na ang hihingi sayo ng pakiusap, pwede bang itikom mo muna 'yang bibig mo? Wag mong pairalin ang iyong pagka bruha." Mahinahon man pero ramdam ko ang galit sa boses ni ate ng sabihin 'yun.



"Okay, then," inirapan ko s'ya saka umupo sa bakanteng sofa na katabi ni kuya.



"Lahat ay nandito na kaya pwede na nating simulan ang ating pag pupulong." Simula ni Daddy sa usapan."kayong tatlo ba ay nakapag desisyon na ng kursong kukunin?" Tinaas ni ate ang isang kamay, sign na siya ang unang sasagot. Ganito talaga ang pamilya namin sa paraan ng pag uusap sa mga importanteng bagay, tulad ng ngayon.



Traffic In Emperial (Bad Girls series #1)Where stories live. Discover now