Tulala pa ako sa loob ng sasakyan ng marinig ang pagkalas ng seatbelt at ang tangkang paglabas ni Sir Alejandro.
"Okay na po Sir. H- huwag ka na pong lumabas. Maraming salamat sa lahat po ng tulong ninyo," sabi ko matapos ng saglit na paghawak sa kanyang braso upang mapigil ang paglabas. Inalis ko din agad 'yon. He look at me like it is proscribed to touch him.
Kita ko din ang paglabas ni Mama mula sa sasakyan at ang kataka- taka nitong tingin sa aking sinasakyan. Dark ang tint nito kaya sa tingin ko ay hindi niya ako natatanaw.
Inayos ko ang sarili at kinalas na ang seatbelt.
"Your parents are here," sabi niya na para bang dahil doon ay mapipilitan siyang sumama sa akin palabas ng sasakyan.
Lumingon lang ako saglit ay nakita kong nakalabas na ang aking katabi! No!
Oh please, no!
Nakita sya agad ni Mama at agad ding lumabas ng sasakyan ang aking ama.
Wala namang problema pero bakit ayaw ko na lamang lumabas. Hindi nila kilala ang kasama ko at baka isipin nila na baka kung sino siya. Ang malala pa ay baka siya pa ang masisi sa pagkakauwi ko ng gabi. Kung sana ay nagsabi na lang ako kay Mama, baka hindi pa ito umabot sa ganitong sitwasyon.
Sa lahat ng naitulong sa akin ni Sir, sa huli ay baka siya pa ang masisi. Alam ko kung paano magalit ang aking mga magulang. Mabait sila, mapagbigay din ngunit pagdating sa pagkakamali ay gagawin ang lahat malaman lang na kaya mo nang maituwid ang iyong nagawa.
Nakita ko ang papalapit na mga magulang at ang muling pagbubukas ni Sir Alejandro sa kanyang pinto. Dahil doon ay nasilip ng aking ina kung sino ba ang nasa loob. Ako.
Medyo gulat pa nga siya at tila aparisyon ako.
"That's okay. Bumaba ka na upang makauwi. I'll help you explain," sabi ng guro na hinarap ang aking ina at binati.
Help me explain? Pero iba ang sitwasyon! No, pag nag- explain ka malalagot ako! Malalaman na nagsisinungaling at naglihim ako sa kanila!
Ang mas nakakaasar ay ni hindi ko 'yan masabi sa kanya dahil lang kaharap na niya ang aking magulang!
Sana pala pinilit ko na lang sa tricycle sa ganoon ay hindi na hahantong dito ang pangyayari at di na din sya maaabala.
Kita ko sa loob ng sasakyan ang pagyuko ng guro sa aking ina. Naguusap. Kalmado naman si Mama.
Somehow may parte sa akin na nagpapasalamat dahil may kakampi ako. Kakampi nga ba? Hindi ko masabi dahil iba ang aming iniisip at pagkaka- intindi sa sitwasyon. He has no clue na tinago ko ang dahilan ng lahat ng ito.
At isa pa, kung pati sa pagharap sa aking mga magulang ay tutulungan niya ako, masyado na akong nakakaabala!
He will help me explain!? Hindi ganoon ang mga magulang ko pagdating sa pagkakamali!
Dali dali akong bumaba at dinig ko ang halos sabay na pagsara ng mga pinto ng sasakyan.
Paglingon ko ay nakita kong kausap pa rin ni Sir Alejandro ang mga magulang ko kaya naman nagmadali akong lumapit sa kanila. Pakikinggan kung hanggang saan na ba ang naikukwento niya.
"No problem Ma'am Dorothea," si Sir Alejandro iyon. Kausap nya ang aking ina at kilala nya pa ito! Magkakilala sila?
Nakahinga ako ng malalim sa nalaman. Ngunit natauhan din dahil kung ganoon nga ay mas mataas ang tyansa na magsabi ito ng kung ano!
"M-Ma... Pa," sabi ko.
Sabay ang tatlo na tumingin sa akin.
"Guada anak, bakit ka ginabi?" si Mama na alalang alala.
YOU ARE READING
The Things I've Learned From Him
Romance"Sobrang ikli lang nang panahon ng pagmamahalan natin. Ang bilis-bilis ng oras na mayroong ikaw at ako. Parang kisapmata lang yung tayo. Pero bakit ganito katagal yung pag-hilom ng sugat sa puso ko." How can you stop loving the person that teaches y...
