2

5 1 0
                                    

___ Sorry if this story is unedited, so please do expect some grammatical  typographical errors, i promise to fix this when i have time. And this may have some mature contents and a very strong language that are not suitable for very young audiences. Please read at your own risk. Thankyou.



9 years ago...

"Hey! Gaia! Wait up!" inis na binilisan ng dalagang nag-ngangalang Gaia ang lakad niya para hindi siya maabutan ng lalaking sumusunod sa kanya.

"Such a dude" bulong ng dalaga.

Mas lalo pa nitong binilisan ang paglalakad hanggang sa nakarating na siya sa tapat ng isang coffee shop, doon natanaw niya ang kuya nito kasama ang iba pa nilang tropa.

She hissed when she saw the guy towards her. Her brother saw her when she came inside.
Napatingin sila sa kanya at sa lalaking nasa likod nito.


"Who's that?" tanong ng isang kaibigan nito, si Galaksi.


"I don't fucking know, sinusundan niya 'ko" sagot nito.


Agad silang lahat na napatingin sa lalaking mukhang kinakabahan na. Lalapitan pa lamang sana ito ng ni Lim , na kuya ni Gaia, nang bigla itong kumaripas ng takbo papalabas.

"Hala ka! Tinakot mo Lim!" kunwaring pananakot ni Roy.

"Urur"

Gaia sat down when she notice Erik, her longtime crush. Nakatitig lamang ito sa kung saan at hindi pinapansin ang nasa paligid. Matagal nang gusto nito ang binata ngunit wala siyang lakas ng loob umamin.


Naghihintay na lamang siya ng himala mula sa taas na sana ay magustuhan din siya nito.

"Matunaw 'yan" bulong sa kanya ni Roy.

Agad naman niya itong kinurot para matahimik ito at baka mayroon pang makarinig sa kanila.


"Wala kang klase babae?" tanong sa kanya ng Kuya Lim niya.

"Oh, meron." simpleng sagot niya at tyaka simpleng kumagat sa isang hiwa ng cake sa platito ni Roy.

"Then why are you here? Aren't you suppose to be on your class?"taas-kilay na tanong nito.


Nilunok niya muna ang nasa bunganga bago magsalita,
taas-kilay niya itong tiningnan.

"Mayroon pa akong kalahating oras para sa klase ko. Dami angal" inismiran niya ito.

Tiningnan niya isa-isa ang mga kasama nang mapansing may kulang. Uh, palagi namang may kulang sa kanila at minsan lang sila mabuo pero ito ang lugar na tambayan na rin nila, kataka-takang onti lang sila rito ngayon.

"Si Germanium?"tanong nito.

Agad namang sumagot si Gallium, ang kababata nito.
Sinabing may klase pa at hindi na binalak pang mag-punta rito at samahan sila.

Napaisip siya kung saan sila mag pupunta mamaya tutal wala naman na silang pasok kinabukasan at natapos na rin niya lahat ng kailangan niyang gawin.


Kumain sa Barbecue House?

Mag Movie Marathon?

O , Pumunta sa TGC?

Ayaw naman niyang manatili lamang sa bahay at magpagulong-gulong, baka kung ano pa maisipan niyang gawin, makagalitan pa siya ng kuya niya.

"Guys! Movie oyaat?!" lahat kami nagulat sa sigaw ni Gryffin.

"Sige ba!" may ning-ning sa matang sabi ni Gaia.

"CMI! Wala namang klase." Pag-payag din ni Glue.

Pumayag rin ang iba pa maliban kila Lim, Greg, Roy Galaksi , at sa ibang wala din, may mga gagawin pa daw ang mga ito, obviously ruining the mood lol.

kj's

"How 'bout Germa?" tanong ni Ginger.

Napatingin sila kay Gallium na panay kain na lang ang ginawa. Naramdaman niya ang mga titig nila kaya napatigil siya.

Sa kanilang lahat si Gallium palagi ang madalas makasama nito, pero pantay lang ang turing niya sa kanilang lahat.

"What?" inosenteng tanong nito.

"She's going, isn't she?" may paniniguradong tanong ni Giselle.

"Oo na, oo na! Aayain na nga e!" wala na rin itong nagawa at tinawagan ang kaibigan.

____________________________________________________________________________________________🧡

CMI : count me in
TGC : the green club.



















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Casa De Habromania Girls Series 1: The Girl Who Hates Happy EndingsWhere stories live. Discover now