1

12 2 0
                                    


___ Sorry if this story is unedited  , so please do expect some grammatical and typographical errors, i promise to fix this when i have time. And this may have some mature contents and a very strong language that are not suitable for very young audiences. Please read at your own risk. Thankyou.



The operation was smooth, walang mga naging pagdudugo sa ibang organs. I'm glad that tita is safe now.

How come na andito na siya sa pilipinas? Kasama ba siya pauwi dito sa pinas?

Just focus on your job Gaia.

I just went straight to the Head Nurse.

"Did you already contact the family?" i asked, not addressing the patient as my tita. Mahirap na, baka magtanong pa sila at ma hot-seat ako.

"Yes. Sabi din nila na papunta na sila" sagot nito. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

Dumeretso ako sa opisina ko at muntik ko nang mabato ng ballpen ang talipandas na nakatihaya sa sofa ko ngayon.

"Tangina mo ka Roy!" sigaw ko dito.

"La! Inaano na naman kita?" tanong nito habang natatawa pa.

Sa bwisit ko sa kanya nahampas ko ang tiyan niya, agad naman siyang napabangon at tiningnan ako ng masama.

"Nang-aaway ka na naman Gaia Serrano!" singhal nito sa akin.

"Huwag mo ako kausapin. Nabi-bwisit ako sa mukha mo" sabi ko rito tyaka isinabit ang coat ko.

"Nakakabwisit na pala ang gwapo kong mukha?" ani nito tyaka hinimas ang baba na parang nagpapa-pogi.

"You mean ang gago mong mukha?" pigil tawa kong bara rito.

"Ina neto! Walang ka support support!" nag-amba pa siya ng batok.

"Supporn na lang" iling ko dito.

"Hala! Bakit alam mo 'yan? Ikaw ha!" nakatakip pa siya ng bibig na animo'y gulat na gulat.

"Malisyosang 'to!" singhal ko rin sa kanya.

Umayos siya ng upo at pinaka titigan ako. Alam kong magtatanong siya kaya mas pinili ko na lang manahimik.

"How was it?" pagtukoy nito sa operasyon kanina.

Hindi namin siya kasama sa OR kaya naman alam kong may namumuong kuryosidad na naman sa dugo niyan.

"Good" tipid kong sagot.

"Why is she here?" gaya ng tanong niya, 'yan din ang bumabagabag sa akin ngayon.

"I don't know"

Seryoso na siya ngayong nakatingin sa akin.
Kapag ganyan na ang itsura niya, alam kong hindi na siya puro kalokohan.

"Anong gagawin mo kung sakaling kasama siya
sa pagpunta dito mamaya?" tanong niya.

Kinabahan naman ako sa tanong niya. Isipin ko pa lang na makikita ko ang lalaking 'yon ay naba-blangko na ako.

"H-hindi ko alam" nakayukong sagot ko.

"Mas mabuti sigurong hindi ka magtatago, after all ikaw ang doctor ng nanay niya" sabi

Tama siya, hanggang kaya ko siyang iwasan at hindi kausapin gagawin ko, pero kapag kailangan talaga no choice na ako. Basta para sa kapakanan ng mama niya, na pasyente ko, titiisin ko ang kung ano mang mararamdaman ko kung sakaling makita ko siya.

"Tara lunch na muna oyat" pag yaya niya sa akin.

Sakto din naman na gutom na ako kaya hindi na ako nakipagtalo pa, tyaka dahil siya ang nag-yaya , libre niya. Makakatipid na naman ako dahil sa kanya.

Casa De Habromania Girls Series 1: The Girl Who Hates Happy EndingsWhere stories live. Discover now