Action

632 7 3
                                    

A/N: Kapag sinabi kasing ACTION it means dapat energetic or more on explaning or describing the scene o kaya ikukwento ng protagonist yung nakikita nya para gumana ang imagination ng manbabasa, Medyo hindi madaling magsulat nito pero kung mahilig kayo sa mga action movies like Endgame or kahit anong may mga suntukan, bugbugan, sabunutan or even patayan, bagay sayo ang genre na to.

1. Fearless
       - Halata naman siguro sa title na walang kinakatakutan? So here it comes, For example the protagonist is isang agent or undercover para malaman kung ano ba ang nangyayari from illegal transactions. And imbes na huhulihin nya ang mga involve sa mga ito ay magkakaroon ng twist dahil iisipin ng mga kasamahan nyang pulis na naging kasama na sya sa grupo na iniimbestigahan nila, so ang ending magiging fearless sya sa mga kasamahan nya dahil hindi sya pinagkakatiwalaan.

Other point naman is pinatay ang mga mahal nya sa buhay and dahil gusto nya maghiganti sa taong gumawa nito sa pamilya nya, pinili nyang kalabanin lahat ng tao na hinahadlangan ang mga plano nya o kaya magkakaroon ng chance na ang balak nyang patayin ay ang taong magugustuhan nya.

2. Kaka Agoria
         -
"Kaka Agoria" is from greek word which means 'Bad Boys'. So sa title palang ay wala nang magandang gagawin ang mga ito pero gagawan natin ng twist. Ang mga bad boys na ito ay napakastick together and walang bagay ang hindi nila napagkakasunduan, which means their interest in life or doing something just to satisfy them is the same. Pero and magiging twist sa story na to ay maiinlove silang dalawa sa isang babae. This is girl is just an ordinary who hates bad boys pero dahil sa sobrang obsess ang dalawa sa kanya, magiging rival ito and it will end of fighting for their love.

3. Prey
          - Biktima yes, biktima ang meaning ng prey kahit isearch nyo pa, pero charot lang. ito na nga. Prey ang title dahil isang drug lord ang magiging partner ng protagonist mo and may chance na magbago ang gender nito pero it's up to you Darling. So ito na nga, and protagonist mo ay isang mahirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral at dahil sa walang makain ay kailangan nyang maging prostitute sa club na pinapatakbo ng sarili nyang ina at dahil sa maraming mga tao dito dahil sa laging sariwa at marami ang nagaapply na mga batang babae ay ito ang pinupuntahan ng mga mayayaman at isa na dito ang magiging partner nya.

Magkakaroon ng chance na pag-aagawan sya ng dalawang lalaki, the guy who will save her ass or the guy who will fuck her ass [A/N: sorry for the word pero that is how I describe, pagpasensyahan nyo na]. But she end up to the drug lord and gagawin syang pain as in pain hindi sakit ha.

4. Mission
          -
Mag-asawa ang bida dito kung saan pareho sila ng trabaho and kayo na mag-isip ng trabaho nila pero dahil sa isang aksidente ay isa sa kanila ang mapapahamak or kung gusto nyo ay mamatay o kaya macomatose para may chance kayo na gawin ang mission nito and dahil sa kamag-anak or hindi pwedeng hawakan ng kamamilya nya ang kaso ng asawa nya ay ipapasa ang kaso sa ibang tao at yun ang mas naging trigger para gawin nya ang mga bagay na illegal or against sa trabaho nya.

5. Die for Justice
           - 
The protagonist choose to die for justice and wala syang magiging time to find love kahit maraming nagkakandarapa para mapansin nya. Mas priority nya ang paghahanap ng justice kahit na ikamatay man nya and may darating na tao na magpapaintindi sa kanya at tutulong sa kanya to find the justice he/she want to find.

6. Hunting the Gentlemen
            -
This story is dapat girls ang magiging bida, they are assassins kung saan ang mga lalaki or kalalakihan ang mga tinatarget sa kanila and they need to finish the task or else sila ang papatayin ng nag-uutos, this is kind of agency na puro sila babae kung saan tinetrain sila kung paano pumatay or kung paano maging assassins and once they passed the last training, they will recieve the first mission and that mission is the one who will tell them if they can live forgetting the past or other stuff. Basta kapag nagawa nila ng maayos ang first task ay bibigyan sila ng chance to choose.

7. No Time for Tomorrow
           -
Itong title naman na ito ay para sa mga taong walang ginawa kundi ang mag-isip ng plano, pwede kang magsearch ng mga disorder or any kinds of illness natakot sa tomorrow or bukas. The protagonist wants to finish the task today and another task for tomorrow, kumbaga, gagawa sya ng paraan para matapos ang task nya within the day, mandadamay sya ng mga ibang tao kapag hindi nya natapos ang task nya. Basta parang psychopath ang magiging protagonist mo.

8. Fugitive
          -
yes tama kayo ng nababasa, may movie na Fugitive din pero hindi ko alam ang mismong story nun, I just saw this word na catchy and kapag sinearch mo ang meaning ay takas, so meaning sya ay isang kriminal o kaya pwedeng napagbintangan lang sya or something tapos naiwan nya ang girlfriend nya outside the jail and nung time na desidido na syang tumakas ay nakita nya ang girlfriend nya na ikinasal na sa iba which is best friend nya pa.

9. One Mistake, One Kill
            - This is too mature dapat, mas better kung may mannerism yung protagonist na kailangan ay kung saan tumama ang pinakaunang napatay nya simula nung nagstart syang pumatay ay dapat tatama ang bala for example, sa leeg, dapat lahat ng papatayin nya ay sa leeg mismo ang tama kapag once sa ibang part tumama, the protagonist needs to cut someone's neck. Kaya mas double ang patayan dito and masyadong kadiri pero make sure na kayang basahin ng mambabasa nyo dahil baka maban yung gagawin nyong story.

10. Gun in the Forehead
               -
Gun in the forehead means hawak ng isang tao ang buhay nya, kailangan nyang sundin ang iuutos nito para lang maging ligtas ang utak nya from that person and once nagkamali syang labagin or hindi sundin ay ikakamatay nya. May nakabantay sa kanya and ang mga ito ay laging nakatutok sa noo nya na once wrong move, mamamatay sya.

___.___

SO GUYS! THAT'S FOR THIS CHAPTER!! COMMENT LANG KAYO IF GUSTO NYONG GAMITIN OR MAY BALAK KAYONG GUMAWA, OR GUSTO NYONG MANGHINGI PA NG IDEAS OR OTHER STUFF DON'T HESITATE TO MESSAGE ME !! 

WATTPAD Titles and IdeasOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz