Chapter 10: Endangered

Start from the beginning
                                    

Palabas ako ng classroom ng bigla may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Mon Mon, bakas ang lungkot at pagsisi sa mukha.

I didn't mean to make him feel like this.

"J-Jing..."

Nginitian ko ito, after all those awkward things na nangyari ay pinahahalagahan ko pa rin ang painagsamahan namin.

"Hi Mon, kamusta ka na?"

Ngumiti ito na para bang naiiyak na siya, hinigit niya ako saka niyakap ng mahigpit. Na-miss ko rin kahit papaano ang kaniyang yakap, yakap mula sa isang matalik na kaibigan.

"Thank you dahil pinansin mo na ako, you know how difficult for me start my day without you."

Honestly, mahirap maging productive araw-araw lalo na kung may burden kang dinadala or may dinadamdam kang hindi maganda.

Forgive is forget.

"Let's just forget everything and move on, okay?"

"Tama ka, magsimula na lang tayo ulit."

"So...Mon, meryenda muna tayo?" Alok ko sa kaniya na ikinangiti naman nito na ubod ng tamis.

"Of course! Treat kita! Come on, baka marami ng tao sa canteen and just so you know, i missed you calling me that nickname by the way."

Hindi ko inakala na ganito kagaan sa loob na maayos na ulit kami ni Solomon, i guess wala na dapat akong ikabahala dahil nararamdaman kong panatag na ako with my bestfriend and boyfriend.

May kakaibang dulot sa aking sistema kapag tinatawag ko si Aqui as my boyfriend and konting kilig lang naman hehe.

Oo nga pala...nasaan na si Aqui?

Joaquin's P.O.V

Andito ako ngayon sa balcony ng aking condo unit.

Hindi muna ako pumasok ng school dahil wala akong gana and for sure busy din ang school especially mga teacher at ibang school staff sa pag-prepare para sa upcoming foundation day ng aming school.

Wala akong ginawa buong umaga, like literally. Maybe, papasok ako mamayang hapon to check Jian.

Hindi ko maiwasang kabahan sa natanggap kong enveloped today galing kay kay dad. That old man.

I have nothing in my mind but Jian and this envelope na naglalaman ng mga pictures niya. He's threatening me, i won't let Jian be harmed by my dad.

Tss! He's not my dad anymore! He doesn't deserved to be called a father. I didn't expect him to be this deperate in business.

I was interupted by my ringing phone, someone's calling. Binuksan ko ito at pangalan agad ng taong mahal ko ang bumungad, i answered immediately.

"Hey loves, musta?"

"Anong loves ka diyan, tigil-tigil mo ko sa endearment na yan ha."

"Naglalambing lang, 'to naman."

"Hmm oo na lang, bakit hindi ka pala pumasok? May sakit ka ba? Gusto mo puntahan kita diyan?"

I was taken back his words and my heart starts to beat faster, ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito, he's so concerned about me.

A smile crept out of my lips.

"No, no need, i'm not sick, papasok din naman ako mamayang hapon. Na-late kasi ako gumising kaya hindi na ako tumuloy sa school."

"Sigurado ka?"

"Yes, loves."

"Oh siya sige, una na ako may ihahabol lang ako na requirement ko, ikaw din! Wag mong hayaan na matambakan ka ng mga requirements, mahirap mag-habol. May sasabihin din pala ako sa'yo mamaya."

"Ano yun?"

"Kasasabi ko lang na mamaya di'ba?"

"Hehe opo mahal."

Hihi.

"Aish! Sige na, bye!"

Minsan ko pang in-obserbahan ang mga tao mula sa ibaba, seeing this city feels like everyday is a busy day.

I checked the time and it's already 10:30, break time pa lang siguro ni mahal, wala namang problema kung agahan ko ang pagpasok ko. Afterall, i can't wait to see Jian again, it feels like forever.

Psh! So cheesy.

I went to the shower and fix myself after, i was about to leave nang mag-vibrate ang aking phone.

"If you ever change your mind, my office is always open."

Binuksan ko yung picture, mas lalong tumindi ang galit at pangamba sa akin dibdib nang makita ko sa larawan si Jian.

Halos mabitak ang screen ng phone ko sa tindi ng aking kapit ko dito.

F*ck.

Mabilis kong nilisan ang aking condo, i got into the elevator and to my car at pinaharurot ang aking sasakyan papuntang school. I must protect him, hindi ko kakayanin na may mangyari sa kaniya.

===========================================

Happy Pride Month Everyone 🥰🏳️‍🌈😍💯

-TheSoulSiren_06

In The Hands Of A Playboy[BXB]Where stories live. Discover now