Online 10

24 3 1
                                    


2:32 AM

ZL: Why are u still online? Gising ka pa?

2:34 AM

Lady Blue: Obyus ba? Tingin mo ba online ako kung tulog ako?

ZL: malay ko ba kung natulugan mo lang

Lady Blue: Wag mo kong simulan ha

ZL: Huwag kitang simulan? Edi pwede kitang tapusin?

Lady Blue: So nakakatawa na yon?

ZL: May sinabi ba ako?

ZL: Wag ka ngang high blood. Kaya ang mabilis mong tumanda eh.

2:37 AM

Lady Blue: Ang kapal naman ng mukha mo. Para sabihin ko sayo, baby face ako!

ZL: Ah. Baby face=baby mind. kaya pala XD

Lady Blue: Ano ba kasing gusto mo? Ndi ka naman nanghihingi ng advice pero kung makachat ka daig mo pa mga nagtatanong sakin.

Lady Blue: Sige! Sabihin mo kung anong kailangan mo!

ZL: Ikaw ang kailangan ko.

Lady Blue: Ano?

ZL: Bulag ka ba o hindi ka lang tlaga marunong magbasa? Savi ko, ikaw kailangan ko.

Lady Blue: Sapak gusto mo?

ZL: Kaya mo?

Lady Blue: Hinahamon mo ako?

ZL: Aish. Sabing kailangan kita eh!

2:40 AM

Lady Blue: Hindi ako pokpok! mAghanap ka ng ibs!

Lady Blue: iba*!!

ZL: Tanga! Hindi kase ganon. Ang dumi ng isip mo eh hindi naman kita type!

Lady Blue: Gago! Eh ano palang ibigsabihin nung "Ikaw ang kailangan ko"?!!!!

Lady Blue: Kelangan mo kong tagahugas ng pwet mo ganon?

ZL: Pwede din

Lady Blue: Bakit? May pwet ka ba?

ZL: Meron. Gusto mo makita? Send ko sau pic.

Lady Blue: yakkkkkkkkk

Lady Blue: Mga kababuyan mo!!!!!

ZL: asa ka naman hahahaha

Lady Blue: Asa, my foot.

ZL: Mas makinis pa yata pwet ko sau eh

Lady Blue: pano mo nalaman? nakita mo na ba ako?

2:43 AM

ZL: Yun na nga. Kailangan nating magmeet.

Lady Blue: At bakit aber?

ZL: Ugh basta. Magmeet tau.

Lady Blue: Inuutusan mo ko? Kapal ng fezlak mo ah. Ni hindi nga ako nakikipagmeet sa mga taong inaadvisan ko tapos ikaw na binubulabog ako, imimeet ko? ASA.

ZL: Aish. It's for my sister.

Lady Blue: Wag kang liar.

ZL: Tanga. Nagsasabi ako ng totoo

ZL: Idol ka ng kapatid ko. Gusto ka daw nia mameet kaya magkita tayo.

Lady Blue: wehhhh? Eh bakit ikaw nakikipag usap sakin imbes na sia?

ZL: Nahihiya sia.

Lady Blue: Sus palusot. Baka ikaw yang sister mo ha?

ZL: Hindi ah! Hindi kita idol. wag ka ng umasa.

Lady Blue: Nagsabi bang umaasa ako?

ZL: Malay ko ba kung totoo

Lady Blue: Edi wew.

2:47 AM

ZL: Ano na? Imimeet mo na sister ko?

Lady Blue: Nah.

ZL: Wat? Bakit hindi?

Lady Blue: Gaya ng sinabi ko, ndi ako nakikipagmeet sa mga nakakausap ko online. Malay ko ba kung sindikato ka

ZL: Tangina. Ako? Sindikato? Sa gwapo kong toh?

Lady Blue: Gwapo ka? Sige. Kunyari naniniwala ako.

ZL: Imeet mo na ung kapatid ko. Magagalit sakin un pag ndi ka nia nameet.

ZL: At hindi ako sindikatoo!!!

Lady Blue: No. Ayoko pa din. Kahit totoo yang sinasabi mo, hindi ko pa din kau imimeet. Mag-advice lang ang trabaho ni Lady Blue at hindi makilala ng personal ang mga kliyente nia.

Lady Blue: So I hope you understand, mister

ZL: Saglit lang naman eh! Shake hands lang kung gusto mo tapos layas ka na.

Lady Blue: Pakisabi na lang sa kapatid mo na sorry at thank you kung sakali mang totoo yang sinasabi mo

ZL: Totoo ngaaa

ZL: Magmeet na kasi kau ng kapatid ko!

ZL: Hoy asul!

ZL: Asullllll!!!

ZL: AIsh. Ndi na nagsiseen.

ZL: Hoyyyyy babaeng asul!!!

•°•°•

Please vote and comment. Thank you!

-M.

Lady BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon