"Ganya ba talaga sila?" bulong na tanong ni Rom kay Dian.

"Oo hahaha kaya dapat masanay ka na tsaka palagi nilang pinag-aawayang magkapatid si Dev kasi iniispoil sila nito buti nga wala yung pinaka ate nila dahil masmalala pa yun sa kakulitan ng dalawa" natatawang paliwanag ni Dian kaya napatango lang si Rom.

Nang matapos silang kumain ang mga lalaki na ang naghugas habang ang mga babae ay tumambay muna sa sala.

"So ano na ang gagawin natin?" tanong ni Dian.

"Opss, may lakad pala kami ngayon ni John" saad ni Arria at biglang tumayo sa pagkaka-upo sa kandungan ni Dev.

"May lakad din ako" usal naman ni Dev kaya napatingin sa kanya sina Rom, Kiya at Dian.

"Saan naman?" tanong ni Rom

"Basta, sige alis na ako. Sabihan niyo nalang ang iba na may pinuntahan akong mahalagang tao" sagot ni Dev at dali-dali kinuha ang susi ng motor niya sa lalagyan ng mga susi.

"Ay wait!" sigaw nito bago bumalik at hinalikan ang noo nina Kiya at umalis na.

"Tss, saan naman gagala yun?" mahinang bulong ni Kiya pero narinig ni Dian kaya natawa ito.

"Wag kang mag-alala Ki, wala namang jowa si Dev kaya di yun magde-date. Siguro pinatawag lang sa companya nila" paliwanag ni Dian.

"Oh asan na sina Arria at Dev?" tanong ng katatapos lang maghugas na si Dale kasama si Dzane na umupo sa tabi ni Kiya.

"Si Arria sa taas nag-aayos dahil may date daw sila ni John habang si Dev ay umalis, may pupuntahang mahalagang tao daw" paliwanag ni Dian, napatango naman ang dalawa.

"So ano ang plano natin?" tanong ni Dale

"Swimming nalang tayo" suggest ni Dzane at nag-agree naman ang mga kasama nila kaya naghanda na sila.

Ilang oras pa ay nakakababa na si Arria habang suot-suot ay isang simpleng dress.

"Guys alis na ako!!" sigaw ni Arria bago lumabas at pumasok sa kotse ni John na naghihintay sa labas.

>> Arria's Side <<

Nang makapasok si Arria sa kotse ni John ay agad siyang hinalikan ng binata sa labi.

"John!? Ang aga-aga ang landi mo" saad ni Arria kaya natawa si John.

"Namiss lang naman kita babe, di ka kasi nagreply sa mga text ko kagabi" lungkot-lungkotang sabi ng binata.

"Baliw, di ko lang napansin na nagtext ka dahil nasobrahan ata kami sa mga kalokohan" natatawang usal ni Arria ng maalala ang nangyari sa kanila kagabi.

"Sana nandun ako" saad naman ni John kaya napatingin sa kanya si Arria.

"Wag ka nga, tsaka solo mo naman ako ngayon kaya tayo na bago pa maiba ang desisyon ko" sabi ni Arria kaya naman pinaharurot na ni John ang sasakyan papunta sa destinasyon nila.

"Babe tulog ka muna, gigisingin nalang kita mamaya kapag nakarating na tayo doon" saad ni John kaya napatango si Arria at kinuha ang neck pillow sa backseat at natulog.

A few minutes later~

*tsup*

Nagising naman si Arria ng may naramdamang dumapo sa pisngi niya.

*pak*

"Araay!!" daing ni John ng makatanggap siya ng hampas sa braso.

"Sabi mo gigisingin mo ako hindi re-raypin" inis na saad ni Arria kaya natawa si John.

Twisted FateWhere stories live. Discover now