"Sigurado ka bang lugar mo 'to?"
"Bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?"
"Well, ayoko lang naman na may isa pang Hyosh na sisira sa buhay ko."
Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang parte ng kwarto ko kaya pinuntahan ko siya doon.
"Oh bakit akala mo basta basta mo lang ako makikita dito, ha Vienne?"
"Sino ka ba at bakit mo ko sinundan dito sa bahay ko?"
"Hangga't nandito ka, nandito din ako. Hindi mo 'ko malalayuan dahil ako ang may ari ng lugar na 'to. Hindi mo ba 'ko natatandaan?"
"Magtatanong ba 'ko sayo kung natatandaan kita?" Mananakot ka na nga lang minsan wala pang laman utak mo eh no.
"Wag mo 'kong dinadaan sa biruan Vienne. Iba ako magbiro."
"Oh share mo lang? Siguraduhin mo lang na matatawa ako sa pagbibiro mo."
"Hindi ka pa din nagbabago. Nauna ko na siyang puntahan bago pa kita matagpuan dito."
Biglang bumukas ang lahat ng ilaw at bumagsak ako sa kinatatayuan ko.
"Hintayin mo lang.. Lahat ng nangyari dati ay pwede maulit. Pwedeng mawala din sayo yung lalaking kikitain mo."
Lumamig ang paligid, bumalik lang ako sa katinuan ng biglang mag ring ang cellphone ko.
"H-hello?"
"Kate nasan ka?"
"Bakit, anong meron? 5pm palang naman ah? 7pm pa kami magkikita ni Cade."
"Nakita namin siyang umalis. Sinundan namin pero nandito siya ngayon sa studio."
"Nasa studio naman pala eh. Teka wala siyang nabanggit sa'kin na kailangan niya dumaan sa studio. May kasama ba siya?"
"Wala pero may nakasuot na kwintas sa kanya."
"Kwintas? Anong kwintas? Wala akong binigay.. sige pupuntahan ko kayo diyan ngayon, huwag mong ieend call."
"Kwintas na nakaukit yung letrang V tapos.. t—teka si..no ka..."
Naputol ang linya kaya nagmadali akong umalis sa bahay at dumiretso sa studio. Nakita ko nakatali si Kim sa gilid ng gate kaya inalis ko muna siya sa pagkakatali.
"Kate, sundan mo agad si kuya at si kuya Cade sa loob bilisan mo. Ako ng bahala sa sarili ko."
Binuksan ko lahat ng ilaw at siniguradong walang madilim na parte dito. Nakita kong sinusundan ni Julius si Cade na tila ba may hinahanap.Tumigil si Cade sa gitna ng stage habang si Julius ay malapit sa backstage nito. Agad kong tinakbo ay backstage upang kausapin si Julius.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Si Cade bigla na lang pumunta dito. Sabi niya pinapupunta mo daw siya sa coffee shop pero dito ka manggagaling."
"Ano yung suot niya?"
"May nagpadala niyan sa bahay nila. Nagulat nga si Kim na nakaukit yung pangalan mo sa kwintas na yan."
Pinuntahan ko si Cade sa gitna ng stage at niyakap. Kung gayo'y ito na yung oras na nakasulat sa story ni ate.
"Iniwan ko siya sa oras na iyon upang iligtas siya. Hindi ko alam kung kalian kami muling magkikita, kung kalian niya 'ko uli maaalala pero masaya ako na nailigtas ko siya."
YOU ARE READING
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...
CHAPTER 6 - When I See You
Start from the beginning
![When I See You [COMPLETE - editing]](https://img.wattpad.com/cover/228077184-64-k322483.jpg)