Chapter 3: Transformation

Start from the beginning
                                    

Nahagip ng paningin ko ang reflection sa glass door ng isang stall.

Mula sa butas butas ko ng sapatos, maduming ripped jeans, puting damit na puno ng iba't ibang mantsa mula sa tsokolate, kape at ano ano pa. Natungo ang paningin ko sa dungis ng mukha ko, mula sa pagkalikot ng sasakyan kanina. Tumungo naman ang tingin ko sa kulay ginto kong buhok na maayos na nakalugay. Atleast, may isang maganda sa'kin.

I rolled my eyes. "I think I need to."

He shrugged. "Then, do what you want. I'll be back to pick you up."he said with a slight smile. Nikolas I think is in the mid 40's, he has a vibe of an attorney. You'll sure be intimidated by his voice.

Umalis si Nikolas at nagsibalikan na sa kani kanilang trabaho ang mga tao dito sa kompanya.

"Miss, sumunod po kayo sa akin."sabi ng isang babae na nagpakilalang si Anna, matanda na siya pero mukhang eksperto sa lahat ng bagay. Nang maglakad siya ay sumunod ako. Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng mga di pamilyar na mga gamit at mga produkto sa mga bote. It's like a big salon.

"Nakahanda na ang mga gamit."pahayag ni Belle na nauna ng pumasok sa loob. Bumaling siya sa akin. "Pakihubad na po ng mga suot niyo, Miss."

Nanlaki ang mata ko. "Ano?! Bakit?"

"We're going to apply the products on your skin, and you're going to have a quick bath."pahayag niya.

"Okay."sabi ko. "And I don't need your help, I can undress myself."sabi ko. Dinampot ko ang tuwalya, naghubad sa bathroom at nakatapis ng tuwalya paglabas.

May nakahandang mga beauty products na nakasalansan sa isang mesa katabi ng isang maliit na kama. Nahiga ako roon. Nag apply ng mga produkto si Belle, di ko alam kung lotion o ano. May mga pinahid siya sa balat ko. Sa kamay, paa, legs, mukha at buong katawan. Habang si Anna naman ay naka focus sa buhok ko. Sinasabon niya ito at minamasahe. Napakasarap sa pakiramdam. Feeling ko makakatulog ako dito anumang oras.

"Napakaganda ng buhok mo, Miss."Anna complimented, while massaging my hair which relaxes my scalp.

"It's natural."sabi ko.

"Naalala ko tuloy ang Young Master."sabi niya, na tila masayang iniisip kung sino man iyon."Kinababaliwan ng mga kababaiwan ang taglay niyang kagwapuhan."

"Sinabi mo pa, isa ako sa mga nagkakacrush sa kaniya noon."sabat naman ni Belle, na mukhang nasa 30's na. "Naalala ko noon, makita palang namin ang buhok ni Sir Donovan, ay parang mga baliw na sa kakasigaw ang mga kababaihan."

"Sino ba 'yun?"paki usyuso ko.

"Ang nag iisang anak ng Headmistress."sagot ni Anna.

Naka idlip ako ng ilang minuto. Ginising ako ni Belle para daw banlawan ang binabad niyang gamot na pinahid kanina sa balat ko.

Tumayo ako at pumasok sa bathroom. Lumublob ako sa isang bathtub na puno ng bula at mga rose petals. Ang sabi nila ay magbabad lang daw ako ng limang minuto.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang umahon sa bathtub, sinuot ko ang isang roba at lumabas na ng banyo.

"Wow."

"Ang ganda mo, Venus."

"Napakaporselana pala ng balat mo."

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now