Chapter 3: Transformation

775 91 24
                                    

Chapter 3: Transformation

----
Venus Azur's P.O.V:

Patuloy ang kabog ng dibdib ko habang nakasakay sa isang limousine. Wala na akong nagawa pa nang dumating ang mga pulis para i-impound yung kotse ni Boss, ayoko rin namang makulong, so basically this is the only choice.

Napakalaki sa loob ng kotse, nakaupo ako sa malambot na upuan sa harap ng maliit na lamesa na puno ng mga prutas, at wine. Kaharap ko yung lalaking nakasuot ng pormal na tuxedo na nagpakilalang si Nikolas.

"Nasuyod na namin ang buong Gothem City, sa Royal Academy kalang pala namin mahahanap."panimula ni Nikolas.

Napataas ang isa kong kilay. "At ano naman ang kailangan niyo sa'kin aber?"

"Ang Headmistress ang may kailangan sa'yo. Hindi ka namin basta basta mahanap dahil pangalan lang ang ibinigay niya. But, the headmistress can turn the city upside down to be able to find you."

"Sino ba itong Headmistress na tinutukoy mo?"I asked while crossing my arms in front of him.

He gently smiled. "Magnolia Grimmoire."

Sino ba yun? May utang ba ako don? O isa ba yun sa mga nadukutan ko noon? Tsk tsk tsk.

Ilang minuto ang lumipas nang humina na ang takbo ng sasakyan. Maya maya pa ay tumigil ang limousine sa harap ng isang napakalaki at napakataas na building.

Napansin ko ang mga lalaking nakasuot ng pormal at itim na suit ang nakapaligid sa harap ng building. Ilan sa kanila ay sinalubong kami nang makilala ang limousine na sinasakyan namin. Ang iba ay nagtaka pa nang makita ako pero sabay sabay silang yumuko na para bang binabati kami.

Pagkababa ko ay tuluyan kong nakita ang malaking karatula ng building. Grimmoire Corp. Di ako makapaniwalang nasa harap ako ngayon ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bayan. It supplies good stocks morethan 80 percent of the population in Gothem City. It has a clothing brand, department stores, restaurants, hotels with several branches national and international.

What makes it more praising is that the owner of this Company is the owner of the prestigious school, the Royal Academy.

"Follow me, Miss Azur."

Sumunod ako kay Nikolas nang pumasok siya sa building. Sumalubong sa amin ang mga staff ng kompanya. There were actually hundreds of them, bowing their head as if waiting for us.

Pinagmasdan ako ng mga tao. Confusion was written on their faces. Ang ilan ay nakakunot ang noo, nagtataka kung sino ako. Hanggang sa isa isang bumukas ang recognition sa kanilang mukha.

"She's the one."

"The Lucky girl."

"Ba't ang dungis niya."

Narinig ko ang bulungan ng ilang kababaihan. Tinawag ni Nikolas ang dalawang babae, lumapit naman ito. "Ayusan niyo siya. Dress her up and make sure she's presentable before meeting the headmistress."utos niya at tumango naman ang dalawang babae.

I raised my left eyebrow. "Teka, bakit ko kailangan ng make over aber?"

Naningkit naman ang mata ni Nikolas. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ayaw mo ba? Do you want to meet the owner of Grimmoire corp with that look?"

Rags and Royalties [UNDER MAJOR EDITING) Where stories live. Discover now