Dalaw

62 2 0
                                    

Sa panaginip
Madalas dumalaw
Ang mga alaaalang nais maalala
Ipaaalala  kung
Gaano kalala
Ang pagkasabik
Sa iyong yapos
Sa halik
Maging sa paghilik
Sa ngiting kasing tamis
Ng asukal na pula
Sa tawang
Nagsisilbing harana
Magigising na basa
Ang unan
Kahit hindi naman naulanan
May ulap sa mga talukap
Hindi nais ang
Walang abisong
Pagdalaw
Hindi kita napaghandaan
Di sana'y nahayinan
Ng masarap na hapunan
Pag-amin
Mahal kita
Hindi mo kailangang suklian
Hayaan mo lang ako
Maglalaho rin ito
Nakalilimot ang puso
Kalilimutan kita
Maging ang ibig sabihin
Man niyon ay kalilimutan ko
Ang aking paghinga.


LUMBAYWhere stories live. Discover now