Bilin

76 3 0
                                    

Ang aking bilin sa huling sinisinta
Lubusang ingatan ang puso at
Huwag hahayaang mapasok
Ng mapagbalat-kayo
Ito'y babala
Ika'y mabahala
Bakuran mo ng matatayog na kawayan
Ang puso mo'y harangan
Hindi ka masasagip ng
Matatamis na mga salita
Lulunurin ka sa sigwa
At iiwang lumuluha
Igapos sa bakal ang puso
Huwag padadaig sa mga tuso
Ito ang aking bilin bago kita lisanin.

LUMBAYWhere stories live. Discover now