Tigang

72 3 0
                                    

Mistulang tuyong lupang
Salat sa dilig
Ang dibdib na tadtad ng bitak
Walang magnanais
Na tumubong halaman
O di kaya'y pag-ibig
Walang uusbong
Na binhi
Maging ang tibok
Ay nanganganib nang huminto
Naghihintay na lamang
Sa pagdating ng ulan
Ikaw ang ulan
Madalas mang sumilip ang araw
Hindi sinag ang nais
Tubig
Kalinga
Pag-ibig.

LUMBAYWhere stories live. Discover now