Balisa

78 3 0
                                    

At sa himbing ng gabi'y dumampi
Ang iyong namumutlang labi
Sa aking nanginginig na labi
Marahil ay ganito ang pakiramdam
Ng mahagkan nang hindi inaasahan
May mga paruparung bigla
Na lamang nanahan sa aking tiyan
Marahil ay gutom
O di kaya'y kinakabisa
Ang hindi mawaring pakilasa
Balisa at hindi makatatag sa titig
Ng iyong mga mata
Nakalalasing ang iyong hininga
Nais kong magpakalunod sa
Iyong mga alaala.

LUMBAYWhere stories live. Discover now