Chapter Twenty Four

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Czarina?" tawag-pansin niya sa kababata.

            Gulat na napalingon ito sa kanya. "Oh! Johann, bakit ka nandito?"

            "Galing ako kanila Agatha. Pauwi na nga ako. Ikaw ba? Anong nangyari sa kotse mo?"

            Napakamot ito sa ulo. "Eh, papunta nga rin ako kanila Agatha, eh. May inutos kasi sa'kin si Kuya Reeve. Kaso, papasok na 'ko ng village, biglang tumirik 'tong sasakyan ko. Buti nga naitabi ko pa."

            Binuksan niya ang hood ng kotse. Napaubo siya sa usok. "Nag-overheat ata 'tong sasakyan mo."

            "Ganoon ba? Eh nang i-check ko iyan kanina, okay naman. Saka bakit mag-o-overheat, eh, bago pa lang 'tong Ford ko?"

            Nagkibit-balikat siya at tinignan ang makina. "Lagyan lang natin ng tubig 'yung radiator. May tubig ka ba diyan?"

            Pumasok si Czarina sa loob ng kotse nito at saka naglabas ng isang bote ng mineral water.

            "Ngek. Hindi sapat iyan," natatawang sabi niya. Pumunta na lang siya sa kotse niya at kinuha sa trunk ang baon niyang isang litrong tubig. Lagi rin kasi nag-o-overheat ang pinakamamahal niyang Toyota kaya lagi siyang may baon.

            Nilalagyan na niya ng tubig ang radiator nang magsalita si Czarina.

            "Sorry, ah? Naabala yata kita."

            "Okay lang, ano ka ba? Buti nga napansin kita. Saka, kilala mo naman ako. Lagi kitang tutulungan."

            Lagi niyang tutulungan si Czarina kahit ano pang maging problema nito. Malaki ang utang na loob niya rito at sa pamilya nito. Kaya siguro minahal niya ang dalaga. Totoong nasaktan naman siya nang tanggihan siya nito pero naisip niya, buti lang siguro iyon. Baka hindi talaga sila ang para sa isa't isa.

            Eh, dumating pa si Sapphire. Ah, hindi talaga sila ni Czarina ang meant-to-be. Gusto niya bigla si Sapphire na.

            Naisip niya tuloy, siguro nga minahal niya si Czarina dahil malaki ang utang na loob niya rito. At si Sapphire... mahal niya ang misis niya dahil... wala. Basta. Mahal niya si Sapphire dahil gusto niya itong mahalin.

Masarap titigan ang asawa niya kapag naaasar habang naglilinis ng banyo at reklamo ng reklamo. Pero ginagawa naman lahat ng ayaw nitong gawin. Tapos ayaw daw payakap pero kapag niyakap niya, papayag. Mga babae talaga, hindi niya kahit kailan maiintindihan.

"You're happy?"

Napalingon siya kay Czarina. "Ako? Oo naman! Lagi naman akong masaya," aniya rito. "Okay na 'tong kotse mo. Try mo i-istart."

Pero hindi ito umalis sa tabi niya. "Mahal mo na talaga siya? Si Sapphire?"

Ngumiti siya. "Dapat naman talaga mahal mo ang asawa mo. Kaya, oo. Mahal ko talaga siya. Masyado bang obvious?" Nawala ang ngiti niya nang makitang bumagsak ang luha sa mga mata nito. "Czarina?"

Nag-iwas ito ng tingin. "You used to tell me that you love me," biglang pahayag nito.

Natigilan si Johann. "Czarina..."

"Bakit ang bilis mawala? Wala pa ngang three months ang lumipas. Bakit ganoon?"

Naguluhan si Johann. Bakit bigla na lang itong nagtatanong ng ganoon.

"Ahm... nakainom ka ba? Anyare sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa balikat. "Anong sinasabi mo?"

Yumuko ito at tuluyang napahagulgol.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon