"Hi Guys! Did you miss me?" tanong sa amin ni Ate Natrix.

Nagkumustahan kaming lahat at nag-usap patungkol sa katuruan ngayon. Naging ka-close ko na rin ang mga ka-life group ko in a span amount of time. Hindi nila pinaparamdam na iba ako sa kanila.

Ate Natrix was very jolly today. Buti na lang nga at hindi nasasama sa usapan namin ang tungkol sa amin ni Nash. She knows how to set aside the topic about her family and the church.

Sa tingin ko, ang viral photos and issue between me and Nash ay sa amin na lang 'yun. Ayaw sigurong makialam ni Ate Natrix.

"Bago tayo mag-closing prayer, mayroon ba kayong gustong ipag-pray? Like school, trabaho, health, anything," tanong nito sa amin.

Naglahad sila ng kani-kanilang prayer request. Halos lahat sa kanila ay personal problems, work and health.  Each of us has had a prayer request that we wanted to pray.

"Ikaw Xeidrine, ano ang gusto mong ipag-pray?"

I gulp before answering. "Tomorrow po ay midterms na namin. Sana makapasa ako sa lahat ng subjects and also cluster meet is coming. I hope God will guide me."

Nginitian niya ako. "I know that you will pass and win in the athletic meet."

They all said good luck words to me and we started praying our requests after that. Ate Natrix is the one who leads and her voice is too powerful.

Pagkatapos ng service ay umuwi na rin kami. I feel so blessed. God was really powerful.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

DAYS passed like a blur. Midterm was so stressful! Biruin mo 'yung ni-review ko, halos walang lumabas sa exam. But I know God is there, alam kong hindi niya ako pababayaan at makakapasa ako sa exam.

"OH MY GEEZ! LET'S PARTY PARTY!" sigaw ni Coast. Masayang masaya rin siya dahil stress free na naman kami ngayong tapos na ang midterm.

"Akalain mo 'yun nakaligtas tayo ng isang grading ngayong senior high?!" hindi makapaniwalang sambit ni Aera.

"Wala pa tayo sa kalahati ng school year," bwelta naman ni Axti at inirapan lang siya ng pinsan ko.

As usual, nandito na naman kaming magkakaibigan sa mini forest. Gaya ng prelims, nag-aaya na naman silang gumala.

Buti na lang at bukas pa ang resume ng training namin for cluster meet kaya available ako ngayon. 'Yung laro na lang namin next week ang po-problemahin ko.

"Inuman na!" pabirong wika ni Bal. Binatukan ko siya.

Kahit kalian, hindi pa naming nagagawang uminom na magkakaibigan, bukod yata kay Keist. Mababait kaming mga bata. Just kidding.

Ayaw lang talaga namin sa lasa ng alak kaya hindi kami umiinom. Mas gugustuhin pa namin magpakabusog sa junk foods and soft drinks kaysa magpakalasing.

"Movie marathon naman tayo!" suhestiyon ni Keist.

"Tara kila Coast naman!" aya naman ni Bal. Kung makapag-aya itong kakambal ko kala mo sa kaniyang bahay.

Pumayag naman kaagad si Coast dahil wala naman daw tao sa bahay nila ngayon. Nasa Manila raw ang parents niya at pwedeng pwede kami.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

BUMILI muna kami ng pagkain bago pumunta sa kanila Coast. Muntik pa kaming hindi matuloy dahil sa isang lalaki.

Nakita kasi ni Coast ang ka-MU niyang Humanista, sa ibang school ito nag-aaral at mayroon itong kasamang babae. Masasabi kong hindi niya ito kapatid dahil sobrang sweet nila sa isa't isa.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now