Pagkatapos siyang tignan at i-check ng mga ito ay sinabi nilang okay na ang kondisyon nito at kailangan pa niyang mamalagi sa hospital ng dalawang linggo upang ma-monitor ang kalagayan niya.
Nagpasalamat naman ang mga magulang niya at ang asawa nito. Masayang tinitigan siya ni Donny but the sadness on his eyes are visible. She felt something's wrong.

"Okay kana ba, Love?" he asked while held her hand and kiss it.

"Nasaan si Baby Chloe?" tanong niya.

"Shar..." nagdadalawang-isip pa itong sumagot.

"Asan ang anak natin?" pag-uulit niya.

"Anak magpahinga ka muna. " sabi ng ina niya na pilit iniiwasan ang tanong nito.

"Mom, I'm asking! Where is my baby? Bakit hindi kayo sumasagot?" halos ma hysterical na siya sa kakatanong.

From the moment she opened her eyes, she already knew that something is wrong. She needs to confirm it. Hindi naman siguro totoo ang hinala niya.

"Love, calm down." malumanay na awat sa kanya ng asawa.

"Donny! Sabihin mo na kasi sa akin. Hindi naman mahirap ang tanong ko ah. Bakit hirap na hirap kang sagutin ako!" pagmamakaawa niya. She wants to see her Baby Chloe. Matagal na niya itong hinihintay na gusto na niya itong makarga at mayakap.

"Baby Chloe...s-she's g-gone." napatigil siya nang marinig ang balita mula sa kanyang asawa na nagsimulang umiyak na.

"Hindi iyon pwede, Donny. Malakas ang anak natin. Ano ba! Wag ka ngang magsinungaling!"

"Love...I'm sorry." sabi ng asawa habang humihikbi.

"Anak, hindi pwedeng mabuhay kayo pareho ni Baby Chloe. Kailangan pumili ni Donny sa inyong dalawa." sabi ng ina niya.

She glared at him. "You! You killed my daughter!" sigaw nito kay Donny at pilit niya itong itinutulak palayo.

"I'm sorry, Love. I'm sorry." paulit-ulit niyang sabi habang niyayakap ito. Umilag sa kanya ang asawa.

"Sorry? Hindi maibabalik ng sorry mo ang anak natin! You killed her! You killed your own daughter! Paano mo nagagawa iyon? " sigaw nito.

"Anak...mahirap din ito sa asawa mo. Nahirapan din siyang pumili." pagtatanggol ng ina niya sa kanyang asawa.

"Stop it Mom! Wag mo nang kampihan ang mamamatay na lalaking yan!" sabi niya habang dinuduro pa si Donny.

"Sharlene!" saway ng ina niya dahil sumusobra na ito.

"Bakit hinayaan mong mawala ang anak natin?" may panunumbat na tanong nito.

"I don't have a choice. Anong gusto mo? Hahayaan ko nalang na mawala ka?" galit na tumingin ito sa kanya.

"Oo! Sana ako nalang ang hinayaan mong mamatay. Ako nalang sana at hindi siya." she cried.

"Akala mo madali lang sa akin ang pumili? I chose you because you are my wife. Ikaw na ang buhay ko, Shar." he answered back.

"Paano si Chloe? Paano ang anak natin? Hindi mo man lang ba siya naisip? Namatay siya nang hindi nakikita ang mundo. You should think her first!" panunumbat niya.

"Paano naman ako Shar? Hindi mo din ba ako naisip? Kung mamamatay ka, parang pinapatay mo na rin ako. Hindi ko kayang buhayin si Chloe na wala ka. Ikakamatay ko talaga iyon!" namamaos na sigaw nito.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now